03/09/2021
Ang may pinaka malupit na sagot ay may premyong tatanggapin.
SINO KAYA?
(Maikling Kwento)
Noong unang panahon, sa isang bayan ng HAYAHAY na pinamumunuan ni DATU PUTI, May mag-asawa na nag ngangalang MANG TOMAS at MAMA SITA. Sila ay biniyayaan ng apat na mga anak, sina EDEN, PERLA, NOVA at ang kanilang bunso na si BOY BAWANG.
Sadyang maraming naaaliw at nabibighani sa gandang taglay ni EDEN kaya palagi siyang imbitado sa anumang okasyon.
Si PERLA naman ay maihahalintulad sa may masipag na kamay. Palaging naglalaba sa batis at malayang nagkukusot ng mga damit.
Si NOVA naman ay medyo tamad kaya nakatutok lang sa TV buong maghapon. Walang magawa, sadyang napako ang sarili sa malambot na sofa.
Ito namang si BOY BAWANG, astig sa porma at siga sa salita. Palaging tambay kasama ang barkada sa inuman.
Sadyang iba-iba ang personalidad ng bawat miyembro ng pamilya.
Isang hapon, habang ang lahat ay abala sa kani- kanilang gawain, may dumating na Amerikano. Gwapo, posturang postura, maganda ang ngiti at mukhang yayamanin. Siya si MR. CHIPS.
Napatanong si Mama Sita kung sino ang sadya nito, agad na tumugon at nagsabi ng kanyang pakay na matagal na niyang gusto masilayan ang kanyang pen pal na higit dalawang taon na at sa eksaktong address na kung saan si MAMA SITA at MANG TOMAS nakatira.
Sino kaya sa palagay mo ang gustong masilayan na penpal ni MR CHIPS? At Bakit?
-abangan-