Kalye Sorbetero

Kalye Sorbetero masarap na sorbetes

💥SEPTEMBER OFFER💥👉Order Now for  Holiday Season👉3,600  3 flavors👉For your events on Holiday Season👉 10% discount.For inq...
05/09/2021

💥SEPTEMBER OFFER💥
👉Order Now for Holiday Season
👉3,600 3 flavors
👉For your events on Holiday Season
👉 10% discount.
For inquiries,kindly shoot us a message.Thank You.

02/05/2021
💥HETO NA💥HETO NA💥HETO NAAAAAAA💥DOBEEDO BEEDOO BEEDO BEEDOOOBEEDOOO AHHHHH
24/04/2021

💥HETO NA

💥HETO NA

💥HETO NAAAAAAA

💥DOBEEDO BEEDOO BEEDO BEEDOOO
BEEDOOO AHHHHH

💯PINOY SORBETES 💥As low as 3k💥2flavors💥Kindly PM us.💥Thank You.
07/04/2021

💯PINOY SORBETES
💥As low as 3k
💥2flavors
💥Kindly PM us.
💥Thank You.

💥Summer naaaaaa... 💥Magpa SORBETES ka naman diyaaaan...💥AS LOW AS 3,000💥2 special flavors💥With mini cart💥Muzon Area :fre...
14/03/2021

💥Summer naaaaaa...
💥Magpa SORBETES ka naman diyaaaan...
💥AS LOW AS 3,000
💥2 special flavors
💥With mini cart
💥Muzon Area :free delivery
💥Other Area :charged delivery

Maraming Salamat G.at Gng. Dequito sa pagtangkilik sa Kalye Sorbetero.
01/03/2021

Maraming Salamat G.at Gng. Dequito sa pagtangkilik sa Kalye Sorbetero.

Sa mga mag oorderPm here or text/call 09754834812As low as 1300
11/01/2021

Sa mga mag oorder
Pm here or text/call 09754834812
As low as 1300

15/09/2020

Magandang Araw!
Pamaskong Handog para sa mga ka San Jose at kalapit bayan.

PS:Sundin natin ang mga alituntunin IWAS-COVID
👉DISTANCIA AMIGO
👉MASK IS A MUST
👉DELIVER KO ,SERVE MO.
SALAMAT.

Pamana ng Lahi est.1940Kalye Sorbetero est. 2018Sinimulan ni Apong Gido sa Caridad norte,Llanera Nueva Ecija ,naengganyo...
02/09/2020

Pamana ng Lahi est.1940
Kalye Sorbetero est. 2018

Sinimulan ni Apong Gido sa Caridad norte,Llanera Nueva
Ecija ,naengganyo ang mga kapatid na sina Apong Desiong sa Mindoro , Apong Karias na naipamana sa bunsong anak na lalaki,nahikayat din ang pinsan na si Apong Felix,hanggang sa tumulong na din sa paglalako ng sorbetes gamit ang tulak tulak na karo ang tiyahin namin na si Dominga,at tinuruan na din ni apong ang manugang sa panganay na anak,si uncle Lando sa Natividad ,Nueva Ecija taong 1962 na mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay pinatatakbo ng mga pinsan ko na sina kuyang Balong,Celo,at Jun. Natuto naman ang Tatay Asyas ko taong 1978 kaya naman namulat na ang isipan ko na sorbetes ang primera negosyo ang angkan ng Apong Gido Andres pangalawa lang ang mga bloke yelo,turnilyo,pako,pambelt at kung ano ano pang panlalaki na interes pero kami din kahit mga batang babae palaruan na sa amin ang mag kilo kilo ng pako,may lagay ng screw ng turnilyo o mag metro ng lubid at alambre😂.... ITUTULOY.

🎉🎉Malapit naaaa....🎉🎉🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈
28/08/2020

🎉🎉Malapit naaaa....🎉🎉
🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈

SORBETESAng SORBETES ay isang popular na pagkain   saanmang dako ng ating kapuluan na naging bahagi ng ating kinagisnang...
19/08/2020

SORBETES

Ang SORBETES ay isang popular na pagkain saanmang dako ng ating kapuluan na naging bahagi ng ating kinagisnang kultura at kasaysayan. Walang maituturing na Filipino na lumaki sa kanyang henerasyon ang hindi dumanas sa pagdila't paglasap sa itinuturing na DIRTY ICE CREAM ng bayan.

Mula ito sa salitang Espanyol na sorbete na ang kahulugan sa wikang Ingles ay sherbet na ang ibig pakahulugan ay pinalamig (pinagyelo) na inuming matamis mula sa katas at pulbos ng prutas na hinahaluan ng tubig. Una itong ipinakilalala sa kamalayan ng mga Filipino sa panahon ng mga Espanyol sa kasagsagan ng ika-19 na siglo.

Mauugat ang kasaysayan ng SORBETES sa kauna-unahang pag-aangkat o importasyon ng yelo mula sa ibayong dagat. Taong 1846, nang magkaroon ng petisyon sa pamahalaan ng Maynila ng pag-aangakat ng yelo ng walang itatasang buwis kapalit ng pagkakaroon ng bodega ng yelo na magiging planta nito sakaling ito ay dumaong sa pantalan ng Maynila. Sa sumunod na taon (1847), sa pamamagitan ng kumpanyang Russel & Sturgis, 250 tonelada ng yelo ang inangkat sa Estados Unidos.

At sa pamamagitan ng Royal Decree noong 1848, tuluyan nang pinayagan ng Reyna ng Espanya ang pag-aangkat ng yelo na walang ipapataw na buwis. Hanggang sa tuluyang magbukas ang kauna-unahang planta o pagawaan ng yelo sa Pilipinas sa arabal ng Binondo sa Calle Barraca noong 1875. Nalugi ito at nagsara noong 1881, hanggang sa itinayo ang Insular Ice Plant noong 1902 sa arabal ng Quiapo na pinatatakbo ng San Miguel Brewery.

Sa pagpapakilala ng yelo sa ating mga kababayan natuto tayong gumawa ng sarili nating heladong inumin na tinawag nating SORBETES. Gamit ang garapiñera o cream freezer ng mga Espanyol, natuto tayong gumawa ng unang SORBETES gamit ang pinulbos na kamoteng kahoy at gatas ng damulag. Paghahaluin ito at isisilid sa hulmahang yero sa loob ng garapiñera na napapalibutan ng tipak na yelo at asing bato hanggang sa tuluyan itong lumamig at magmistulang ice cream. Halos kasabay nito ang pagpapakilala sa atin ng APA bilang katernong lagayan ng sorbetes noong 1904.

Sa paglipas ng panahon ang simpleng garapiñera na inilalako sa lansangan ng Maynila ay napalitan ng degulong na kariton wangis ang antangang jeep. Ang degulong na kariton na ito ay ating nasilayan sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang pakonswelo sa ating mga kababayang labis na napinsala sa nakalipas na digmaan.

Ang degulong na kariton na ito ay karaniwang may tatlo hanggang apat na sisidlan ng pleybor ng ice cream sa loob. Karaniwan sa mga pleybor na ito ay ang ube, quezo, mantecado, nangka at ibang bungang ugat at bunga ng panahon.

Dalawang kuwento ang iniuugnay kung bakit tinatawag o nakagawian itong tawaging DIRTY ICE CREAM. Una: Dahil sa ang paggawa ng SORBETES noong panahon ng Espanyol ay isang gawaing bahay at kalye at hindi sa mga pabrikang may sapat na pasilidad at modernong kagamitan, isinubo sa atin ang katagang DIRTY ICE CREAM. Dahil sa panahon ng mga Espanyol, ang paggawa ng anumang uri ng pagkain ay kinakailangang dumaan sa mahigpit na pagsusuri at mula sa mga otorisadong pagawaan. Idagdag pa dito ang pagkalat ng iba't ibang sakit na ang ilan ay nauwi sa epidemya gaya ng kolera. Pangalawa: Ang salitang DIRTY ICE CREAM ay wala pa sa gunam-gunam ng mga Filipino sa panahong naipakilala sa atin ang SORBETES hanggang sa isang insidente matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may isang Filipinong bumibili ng SORBETES na pagkayari ay nalaglag at muling pinulot. Nasaksihan ito ng isang sundalong Amerikano at pagkayari'y nagsalita ng "oh it's dirty ice cream". Kaya simula noon ay binansagan nang DIRTY ICE CREAM ang SORBETES ni Juan.

Sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain noong ika-15 ng Setyembre 1898, isang maringal na bangkete ang inihandog ng Unang Republika sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo, kasama ang SORBETES sa mga pagkaing inihanda sa naturang piging.

Sa pagdatal ng panahon ang SORBETES ay naging bahagi na ng ating kulturang popular. Patunay nito ang pagsilang at pamamayagpag ng awiting Mamang Sorbetero ni Celeste Legaspi na naging popular na awitin sa loob halos tatlong dekada mula 1980s hanggang 1990s. Awiting labis na yinakap ng bawat Filipino, katandaan man o kabataan na nahumaling sa pinakapopular na ice cream ng bayan.

Taong 2018 naman nang opisyal na maisama ang salitang SORBETES sa talaan ng mga bagong salita sa bagong edisyon ng Oxford English Dictionary kasama ang iba pang salitang Pinoy gaya ng bagoong, bihon, turon, ensaimada, carinderia at iba pa.

Maraming salamat G.JOSE BENIGNO SALVADOR sa pagpapaunlak na maibahagi ng Kalye Sorbetero ang iyong talata.

Maraming salamat G.JOSE BENIGNO SALVADOR sa pagpaunlak na maibahagi ng Kalye Sorbetero ang iyong talata.

Umagang Kay Ganda🌞🌞lalalalalalala🎷🎷🎵🎵🎵®®®®®
28/07/2020

Umagang Kay Ganda🌞🌞
lalalalalalala🎷🎷🎵🎵🎵
®®®®®

Address

San Jose Del Monte
3023

Telephone

+639364845957

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalye Sorbetero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kalye Sorbetero:

Videos

Share