15/11/2024
😢
PAAALALA PARA SA LAHAT NG ATING MGA KABABAYAN. 🌧️
Huwag maging kampante!
Hindi man po tayo nasa gitna ng bagyo ngayon ay hindi ibig sabihin na ligtas na tayo. Ang bagyong Pepito ay maaaring magbago ng direksyon anumang oras, kaya't maghanda pa rin po ang lahat.
Malawak po ang epekto ng bagyo.
Kahit hindi direktang dadaanan ang sentro ng bagyo sa ating bayan, malaki pa rin ang posibilidad na maranasan natin ang malalakas na hangin, matinding ulan, at pagbaha kaya maging alerto po ang mga residenteng nasa mababang lugar at tabing ilog.
Sa kasalukuyan, ang bagyo ay may malaking epekto sa buong Luzon, lalo na sa Linggo. Ang bawat lugar ay maaaring makaranas ng iba’t ibang lebel ng epekto, mula sa katamtaman hanggang sa matinding pinsala.
Manatiling updated.
Laging makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa PAGASA at mga lokal na awtoridad. Iwasan ang maling impormasyon at magtulungan po tayo upang maging ligtas ang lahat.
Panawagan sa lahat: Maging handa at alerto sa paparating na bagyong . Huwag kalimutang ipasa ang paalala sa pamilya at mga kaibigan!
Mag ingat po tayong lahat.