02/07/2024
RIP sa isang magaling makisama at tropa ng obando . . Justice is on the way
BREAKING: Sa pangunguna ng Obando Municipal Police Station, nahuli na ang taong pumaslang kay Paul Marquez Meneses.
Isang mabuting mamamayan. Kaibigan sa marami. At maaasahang lingkod-bayan. Ganito natin nakilala si si Paul.
Nakita ko kung paano siya nagbahagi ng kasiyahan sa bawat taong nakakasama niya, kung paano siya dumamay sa oras ng kalungkutan at kabiguan. Kailanman, hindi nang-iwan si Paul sa kahit na ano mang laban.
Mabigat sa aking kalooban ang mabalitaan ang mangyari sa kanya. Habang pino-proseso ko ang mga nangyari, alam kong hindi na lamang ito laban ni Paul. Laban ito ng buhay. Laban ito ng hustisya at katarungan. Mariin nating kinokondena ang ganitong mga gawain sa ating bayan. Sisiguraduhin natin na makakamit ni Paul at ng pamilya niyang naiwan ang mabilis at nararapat na hustisya.
Paul, maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong buhay. Mananatili kang inspirasyon sa amin.