10/01/2016
CALIRAYA
ni Manuel R. Capistrano
Sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang napakagandang lawa na napapalibutan ng mga tanawin na minsan mong makita ay nanaisin mong balik-balikan. Ang Caliraya Lake na matatagpuan sa bayan ng Lumban. Isang lingon lang kapag ika'y mapapadaan, ay para itong nangungusap lalo pa't may iniwan ka ditong magagandang ala-ala ng kabataan. Nababalot ito ng misteryo ng samu't-saring kwento ng iba't-ibang tao. May masalimuot, may masaya, may kwento din ng kadakilaan. Isa sa mga ito ay kwento ng magkasintahan, na ibabahagi ko sa inyo. Ang kwento ni Ryan at ni Sheila. Nangyari ito noong ako ay 18 taong gulang pa lamang...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Kuya, sa MRT po. Sa Cubao." wika ng pasahero.
"Ma'am medyo matraffic na po ngayon dito. Rush hour na eh. Nagmamadali po ba kayo? Kasi kung nagmamadali kayo, may alam akong daan. Mapapabilis tayo doon." Mungkahi ni Ryan.
"Kayo na po ang bahala."
Yun lang at mabalis na pinatakbo ni Ryan ang taxi. Di pa siya nanananghalian. Tanghali na rin kasi siya nakalabas. Kinailangan pa niyang magpa vulcanize. Pagkahatid niya sa pasahero ay kaagad siyang naghanap ng malapit na karinderya na makakainan at may mapaparadahan. Pagkatapos kumain ay di na siya nagpahinga. Kailangan niya kasing makapaghabol ng pang boundary bago abutin man lang ng madaling araw. Ganyan kahirap ang buhay ng mga nasa transportasyon. Minsan ay halos di na sila natutulog, may maiuwi lang na sapat na kita sa pamilya.
*Ring*
"Hello?" pagsagot ni Ryan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone habang nasa kalagitnaan ng byahe.
"Babe! Kamusta ka na? Kailan ang uwi mo? Di ba dapat kagabi? Galing ako sa inyo kanina eh. Sabi ni tita di ka umuwi. Di ka naman tumawag man lang kaya nagalala tuloy ako. Nasan ka ba?" Si Sheila, ang kanyang kasintahan.
"Babe pasensya ka na. Di na ako nakatawag kasi nawala sa isip ko. Nagkaroon kasi ng konting aberya eh. Ilang araw din kasi akong di nakabyahe. Nasiraan itong taxi eh. Tinakbuhan naman nung kahalili ko. Siya ang nakasira eh. Hinintay kong ipaayos ng may ari. Tapos nabutasan pa ako ng gulong kagabi. Sorry talaga. Pauwi na ako bukas. Heto nga at naghahabol ako ng pang boundary. Tanghali na rin kasi ako nakalabas kanina. Babe mamaya na lang madaling araw ha? Tatawag ako bago ako umalis dito. Nasa byahe ako eh." Sagot naman ni Ryan.
"Sige babe. Ingat ka. I love you!"
"I love you too!"
"Ay, Walang kiss?"
"Alangan namang mag mwahh ako? Wag na yun. Ang sagwa eh. Sige na at baka ako mabangga. Kaw talaga. Hahaha."
"Joke lang babe. Kaw naman. Na-missed lang kita. Magtext ka ha?"
"Oo babe. Promise. "
"Sige. Bye!"
"Bye"
Si Ryan ay isang taxi driver. Namatay ang kanyang ama nang siya ay nasa kolehiyo. Ilang taon lang ay naging sakitin naman ang kanyang ina kung kaya't naging madalas na di sumasapat ang kinikita nito para tustusan ang kanilang mga pangangailangan sa bahay. Dahil siya ang panganay, napilitan siyang itigil muna ang pag-aaral upang makatulong sa kanyang ina at mga kapatid. Kung saan-saan siya namasukan hanggang mapagtapos nya sa pag-aaral ang dalawa pa niyang kapatid.
Napadpad na lang siya Metro Manila nang minsang may magyaya sa kanyang kaibigan na nag-a-apply sa isang kumpanya ng taxi. May karanasan naman siya sa pagmamaneho dahil dating driver ng jeep ang kanyang ama at madalas siya nitong isama tuwing babyahe hanggang sa turuan na siyang magmaneho. Maganda ang porsyentuhan kung kaya't di naman nahirapan ang kanyang kaibigan sa pagkumbinsi sa kanyang sumama.
Nakitira muna siya sa kanyang tiyuhin sa Sta. Ana hanggang makaipon siya ng sapat para makapagsarili. Bukod sa pagmamaneho ng taxi ay gumagawa din siya ng susi na siya namang alternatibong pinagkakakitaan kapag wala siyang biyahe. May pwesto siya sa palengke. Umuuwi siya tuwing sabado upang uwian ng kinita ang kanyang ina at panahon na rin kay Sheila. Nakatakda na silang ikasal sa susunod na taon. Umaayon na sana ang lahat ayon sa kanilang napagkasunduan.
Hanggang isang araw...
"Ate Sheila!" pagtawag ng kapatid ni Ryan na si Rhea nang magkasalubong sila sa daan.
"Oh, Rhea, nasa inyo ba kuya mo? Papunta ka ba sa bahay? Buti na lang nagkasalubong tayo. Papunta ako sa inyo ngayon eh." Pagtatakang tanong ni Sheila.
"Wala po sya. Umuwi po kagabi pero sumaglit lang. Si mama po ang nakausap eh. Nagbilin po sya na iabot po ito sa inyo. Mauna na po ako." Sagot ni Rhea habang iniaabot ang isang sulat.
"S-sige Rhea. Salamat."
Pagkaalis ng bata ay naupo si Sheila sa isang bangko sa gilid ng daan na nasa labas lang ng simbahan na malapit sa kung saan sila nagkita ni Rhea para basahin ang sulat.
"Babe,
Sorry. Di na matutuloy ang plano natin. May nangyari. Di ko masasabi sa iyo ang dahilan. Para na rin sa iyo ito.. para sa ikabubuti mo. Sana mapatawad mo ako. Mag-ingat ka palagi. Mahal na mahal kita."
Ryan. "
Napaluha na lang si Sheila sa sobrang pinaghalong emosyon. Di nya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Gusto nyang magalit, pero sa isang sulok ng kanyang isipan ay may nagsasabi na posibleng may kung anong mabigat na dahilan si Ryan para gawin iyon. Kung ano man ang kanyang dahilan ay siya lang ang nakakaalam.
Lumipas ang tatlong taon, maraming nagbago sa buhay ni Sheila. Nagsikap siyang mabuti para matupad pa rin ang mga pangarap nila ni Ryan. Bagama't matagal na rin mula nang magpaalam si Ryan ay di pa rin nya matanggap ang nangyari dahil parang may kulang..
Pakiramdam nya ay di natuldukan ang kanilang ugnayan kung kaya't lumipas ang tatlong taon na kahit pa may mga nanliligaw sa kanya ay naging matabang ang kanyang pakitungo sa mga ito.
Parang nawalan na siya ng interes man lang na makipagkaibigan sa mga lalaki.
Nakapagpatayo na siya ng bahay sa tabi ng lawa sa lugar kung saan madalas sila pumunta ni Ryan. Nakapagbukas na rin sya ng isang maliit na grocery store sa palengke gaya ng kanilang napagplanuhan. Madalas siyang abutin ng gabi pag-uwi mula sa tindahan at maaga naman syang gumigising upang makapaghanda sa pag alis.
Ganito na ang naging pang araw-araw na takbo ng kanyang buhay hanggang sa...
"Manong magkano po?" Tanong ni Sheila sa driver ng tricycle na kanyang sinakyan mula sa bayan.
"20 na lang." Sagot naman ng driver.
Pagkaalis ng tricycle ay dumukot si Sheila sa kanyang bag para kunin ang susi ng padlock sa gate.
Saglit syang natigilan nang makita nyang di ito naka lock. Di nya ugaling iwan na nakabukas ang padlock kaya sigurado syang di nya yun naiwan na nakabukas.
Pagpa*ok nya ay nabungaran nya ang hose na nasa damuhan sa maliit nyang hardin sa harap lang ng kanyang bahay.
Basa ang damuhan at ganon din ang mga halaman.
Wala siyang k**ag anak na nabisita na di man lang natawag para magpaalam dahil madalas siyang wala sa bahay. Nabungaran din nyang nakabukas ang pintuhan ng kanyang bahay.
Bukas ang mga ilaw. Mabilis siyang tumuloy sa loob upang tignan kung may mga nawawala.
Maayos naman ang lahat.
Isang bagay na kaagad nakapukaw ng kanyang pansin ay ang mga pagkain sa hapag kainan.
May nagluto at naghain!
Kinabahan sya. Mabilis nyang tinungo ang kanyang silid upang tignan ang ilalim ng kanyang hanging cabinet kung saan nya itinatago ang jewelry box na pinagtatabihan nya ng kanyang naipon.
Di naman nawala. Di na nya nagawa man lang galawin ang pagkain. Magdamag syang halos di nakatulog sa pag-iisip at takot. Kung sino man ang taong yun at kung may balak mang masama sa kanya ay malamang na di na para ipagdilig pa sya ng mga halaman at ipagluto ng hapunan.
Pero iba pa rin ang nakasisiguro.
Kinaumagahan ay di muna sya nagbukas ng tindahan. Pumunta sya sa hardware at bumili ng bagong door k**b at padlock para ipalit sa sa mga nabuksan. Dahil kung sino man ang taong nakapa*ok sa bahay nya ay malamang na meron ding susi dahil wala sa ayos ng mga door k**b o maging ng padlock sa gate na pinuwersa ang mga ito. Tinignan din nya isa-isa ang mga bintana kung may sira at posibleng nilusutan ng kung sino mang puma*ok sa bahay nya habang wala sya, pero maayos naman ang lahat.
Kinabukasan, gaya ng nakaugalian ay maaga pa rin syang bumangon para makapaghanda. Pagkauwi nya kinagabihan ay ganon ulit ang kanyang nadatnang ayos ng bahay.
Minabuti nyang magpalipas ulit ng isa pang araw at makituloy sa kapitbahay na di kalayuan sa kanyang bahay upang magmanman. Maghapon syang nagbantay mula sa bintana ng kapitbahay kung saan matatanaw kung sino man ang magtangkang magbukas ng gate ng kanyang bahay, pero wala ni anino ng di nakikilalang tao.
Saglit syang napaisip.
Kung meron mang binabalak ang taong yun ay malamang na matagal na sana syang ginawan ng masama dahil para maging ganon kapamilyar sa bahay nya ay malamang na matagal na sya nitong minamanmanan. Naisip nyang hayaan na lang dahil wala namang masamang ginagawa. Nakalipas ang dalawang linggo na naging parte na rin ng araw araw na buhay nya ang pagkain na niluto ng di nakilalang tao pag umuuwi sya sa gabi. Naging ugali na rin nyang iwan ito ng pagkain sa hapag kainan bago sya umalis sa umaga.
Hanggang isang gabi pag uwi nya, nadatnan na lang nya ang kanyang bahay na magulo. Nagkalat ang mga pira*o ng nabasag nyang antigong banga sa azotea. Maging ang tv ay nasa sahig at nakataob. Patakbo niyang tinungo ang kanyang silid para tignan ang kanyang pinagtataguan ng naipon.
Nadatnan nyang basang basa ang kanyang k**a ng sariwa pang dugo!
Pinangunahan pa rin sya ng pag aalala kung kaya't sinilip pa rin nya ang pinaglalagyan nya ng kanyang naipon. Pero nawawala ito.
Sa pagkakataong ito ay di na sya nagdalawang isip pa na na tumawag ng mga pulis.
Sa pagsisiyasat, malinaw na isang pagnanakaw ang nangyari ayon sa mga pulis. At posibleng nagkaroon ng di pagkakasundo ang mga magnanakaw na nauwi sa dahas na sya namang dahilan kung bakit puno ng dugo ang kanyang k**a.
Nagpaiwan na lang sya sa bahay matapos gawin ng mga pulis ang trabaho nila. Napaupo na lang sya sa isang sulok ng kanyang k**a sa pagiisip. Maya-maya ay tumayo sya, kinuha ang towel at tinungo ang banyo para maligo. Kailangan nyang makapagpa presko man lang para mabawasan ang bigat ng nararamdaman.
Unang hakbang lang nya papapa*ok sa banyo ay may natapakan syang isang matulis at matigas na bagay. Bumaon ito sa kanyang talampakan na syang naging dahilan upang sya ay mabuwal. kaagad nyang kinapa ito upang bunutin at tignan. Laking gulat nya nang kanyang malaman kung ano ito.
Ang kabiyak ng kanyang pendant na pinasadya pa nila ni Ryan noong sila pa!
Biglang nabuhay muli ang nararamdaman nyang galit kay Ryan. Matapos syang iwan ng wala man lang paliwanag ay nagawa pa nya ito! Muli na naman syang napaluha. Nanginginig ang k**ay na ibinato ang pendant.
Lumipas ang isang araw, nakituloy na lang muna sya sa kanyang mga magulang na di kalayuan sa kanyang bahay. Naisipan nyang bisitahin ang isang kaibigan sa ospital na isang linggo nang nakaratay dahil sa isang aksidente. Kailangan nya ng makakausap.
Mahigit dalawang oras din silang nagkausap ng kanyang kaibigan.
Pagkatapos nyang magpaalam ay naisip nyang pumunta muna sa cr para makapag ayos ng sarili. Sa kanyang paglalakad ay may napansin syang kwarto na bukas ang pintuan, di kalayuan sa cr. Napatigil sya sa paglalakad nang mapatapat sya dito at may makitang pasyenteng nakahiga sa k**a na pamilyar ang mukha. Lumapit pa sya ng kaunti upang makasiguro kung tama ang kanyang hinala. At di nga sya nagk**ali.
Kakapa*ok lang ng nurse kung kaya't nakabukas ang pinto.
Tuluyan na syang puma*ok.
"Ma'am k**ag anak nyo po ba itong pasyente?" pagtatanong ng nurse.
"K-kaibigan."
"Naku. Buti naman po at nakadalaw kayo. Nung isang araw pa po kasi yan isinugod dito. Natagpuan ng isang tricycle driver sa gilid ng daan na nakahandusay at walang malay. Kung di po sya nadala kaagad dito malamang na natuluyan sya. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Nasaksak po sya."
"Di pa ba sya magigising?" pagtatanong naman ni Sheila na parang di narinig ang salaysay ng nurse. Tanging kay lang Ryan nakatuon ang pansin.
"Maya maya lang po baka magising na rin sya. Maiwan ko na po muna kayo."
"Salamat."
Di na nakaalis si Sheila. Napagpasyahan nyang hintayin si Ryan na magising. Marami syang katanungan na kailangan nyang masagot.
Pero nabigo sya. Mag-gagabi na ay di pa rin ito nagigising. Napagpasyahan na lang nyang bumalik kinabukasan.
Bago tumungo sa bahay ng kanyang mga magulang ay naisipan nyang silipin muna ang kanyang bahay.
Laking gulat nya nang madatnan nyang bukas na naman ang gate at mula sa bungad nito, bagama't madilim dahil patay ang mga ilaw at matatanaw na nakabukas ang pinto dahil sa liwanag ng buwan.
Kahit kinakabahan ay naglakas-loob syang puma*ok ng marahan. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto na bahagya lamang nakabukas. Binuksan nya ito ng sapat lang para makapa*ok sya.
Biglang mula sa likuran ay may yumakap sa kanya ng napakahigpit gamit ang isang bra*o. Kasabay nito ang pagtakip ng k**ay sa kanyang bibig. Malakas ang bisig ng nakayapos sa kanya kung kaya't di man lang sya makagalaw.
Mula sa dilim ay may lumabas pang dalawang kalalakihan..
"Sinasabi ko na nga ba at darating ka eh. Wag kang sisigaw kung ayaw mong gilitan kita." pagbabanta ng isa sa dalawang lalaki na may hawak na patalim sa kanang k**ay.
"Miss.. sabihin mo lang sa amin kung saan mo itinago yung pera at aalis kami ng maayos. Yun ay kung gusto mong pera ang kunin namin. O gusto mo ding pati ikaw?"
"HAHAHAHA" magkakasabay na halakhak ng tatlong magnanakaw.
Inalis ng may hawak sa kanya ang k**ay nito sa kanyang bibig para makapagsalita sya.
"Di ko alam ang sinasabi nyo. Akala ko nga natangay nyo na!" Wika ni Sheila.
"Wag ka nang magkaila. Ilang araw ka na naming minamanmanan. Maayos na sana ang lahat eh, kung di lang nakialam ang houseboy mo! Tinangka nyang ipuslit ang pera habang abala kami sa paghahanap. Mabuti na lang at nakita ko. Alam kong di sya napuruhan nang saksakin ko sya kaya siguradong naibigay nya sa iyo yung pera."
"Di ko talaga alam yang sinasabi nyo. Wala akong houseboy! Pakawalan nyo ako!"
"Pinaglololoko mo ba kami? Eh sino yung naglilinis ng bahay mo at nagluluto dito sa hapon? madalas pa naming makita na nagdidilig sa hardin!"
Di na nakasagot si Sheila. Natigilan sya sa sinabi ng magnanakaw. Mali pala sya ng inakala. Inakala pa man din nyang kasamahan nila si Ryan.
"Ayaw talaga umamin. Paano ba to?"
"Aba eh di alam na. Umpisahan na natin. Sino mauuna?"
Akmang lalapit ang isa sa dalawang nasa harapan ni Sheila nang biglang mula sa likuran ay may sumaksak sa humahawak sa kanya. Mabilis at sunud sunod na inundayan ito ng saksak kung kaya't di nagtagal ay bumagsak ito.
Si Ryan!
Tinabig sya nito papunta sa likod para maiiwas sya sakaling umatake ang mga magnanakaw.
Kaagad na sumugod ang isa pero naging maliksi si Ryan. Ilang saglit lang ay nasaksak din nya ito at napabagsak. Kaagad namang bumunot ng baril ang natitira sa kanila. Di na ito nagdalawang isip pa. Pagkatutok kay Ryan ay agad nitong ipinutok ang baril saka mabilis na tumakas.
*BANG!!*
"RYAN!!!!!!!!" Sigaw ni Sheila.
Naghihingalong bumagsak si Ryan. Kaagad naman syang nilapitan ni Sheila.
"O-okay ka lang ba?" tanong ni Ryan habang pilit nilalabanan ang k**atayan.
"D-di ako..nawala..di kita.. iniwan.." pagpapatuloy ni Ryan.
"Wag ka na magsalita. Tatawag ako saglit ng tulong." Humahagulgol na wika ni Sheila.
"W-wag na..di na rin ako..magtatagal.."
"Nasa..ilalim ng lababo...yung.. pera.. i-itinago ko dun."
Marahang dumukot si Ryan sa bulsa upang kunin ang isang sulat at iniabot ito kay Sheila.
Pagkaabot nito ay binawian na sya ng buhay..
"RYAN!!!!!"
"May mga plano pa tayo di ba? Wag mo akong iwan!!!"
Nakapaloob sa sulat ang mga nangyari noong mga panahon na di sila magkasama at ang dahilan ng kanyang pagkawala. Nakasagasa pala sya, isang gabi habang bumibiyahe. Isang lasing na anak ng isang maimpluwensiyang tao. Binalak syang ipapatay pero nagawa nyang makapagtago kaagad. Natakot sya para sa kanyang pamilya at kay Shiela kung kaya't minabuti na lang nyang lumayo sa mga ito. Ilang taon din nyang sinusubaybayan si Sheila. Di na sana sya magpaparamdam pero di nya ito natiis.
Lumipas ang ilang araw..
Pagkatapos ng cremation ng mga labi ni Ryan ay tinungo ni Sheila ang tabi ng lawa kung saan sila madalas mag picnic dala ang abo nito.
Isinaboy nya ito ..
Sa gilid ng lawa.. kung saan umusbong at di magwawakas ang pagiibigan at kwento ng magkasintahan..
"Di sa k**atayan nagwawakas ang tunay at wagas na pag-ibig. Ito ay patuloy na nabubuhay sa puso at ala-ala.. di lang ng mga taong nagmahal o nagmamahal pa.. kundi sa puso at ala-ala na rin ng mga taong nakakakilala."
-WAKAS