22/01/2025
PROVINCIAL'S TOP NO.8 MOST WANTED PERSON NALAMBAT SA BAUAN BATANGAS
Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Unit 4A PIT Batnaga at 403rd RMFB4A sa pamumuno ni Bauan Municipal Police Station, Chief of Police, PLt.Col.Ryan M. Hernandez si alyas “Mervin”, 42 taong gulang, isang tricycle driver at residente. ng Bauan, Batangas. Nabibilang si alyas “Mervin” bilang Top 8 Most Wanted Person ng Probinsya para sa kasong 3 Counts ng Attempted Murder.
Ang isinagawang operasyon ay naganap dakong alas-8:45 ng gabi noong Enero 21, 2025 sa Poblacion 1, Bauan, Batangas, na nagresulta sa pagkakalambat kay Alyas “Mervin”, na nagtatago sa batas habang nahaharap sa mabibigat na kaso.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Bauan Municipal Police Station, sa koordinasyon ng Regional Intelligence Unit 4A PIT Batangas at 403rd Mobile Force Battalion.
Si alyas “Mervin” ay nahaharap sa tatlong kaso ng Attempted Murder na may Criminal Case Nos.
24-32759,
24-32760, at
24-32761 na inisyu ni Hon Ma. Concepcion Araño Billones, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City noong Enero 1, 2025 na may inirekomendang piyansa na Php 360,000.00.
Upang matiyak ang transparency at accountability, ang operasyon ay naidokumento gamit ang Alternative Recording Devices (ARDs).
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Bauan Municipal Police Station para sa pagproseso at dokumentasyon.
Pinuri naman ni PCol Jacinto R Malinao Jr, Batangas PPO, Acting Provincial Director ang operating units sa kanilang dedikasyon, propesyonalismo sa paghuli sa suspek at pagiging epektibo ng intelligence-led policing strategies.
Ani Malinao, ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng Batangas PPO sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagdadala sa mga gumagawa ng krimen sa hustisya. | Kabalaybay Balita
Source: Batangas Police Provincial Office