Adlayag Publication

Adlayag Publication Seek to write
Read to gain

22/11/2024

MUNICIPAL SPORTS MEET 2024 NEWS UPDATE

Sulangan Integrated School vs. Mojon Integrated School (Elementary Volleyball Boys)

Adlayag Mobile Journalism (MoJo)

Sulangan Integrated School Clubbing Day: A Journey of Embracing Growth and Self-Discovery As a part of the celebration o...
22/11/2024

Sulangan Integrated School Clubbing Day: A Journey of Embracing Growth and Self-Discovery

As a part of the celebration of National Children's Month and Student's Day 2024 with the theme "Igniting the Spirit of Individuality and Camaraderie", Sulangan Integrated School (SIS) officially opened the Clubbing Day, providing students with an opportunity to showcase their unique abilities and talents this Wednesday, November 20.

A roller-coaster ride of emotions was evident in the faces of students during the clubbing day. Clubbing is a chance for students to go out of their cages to find where they truly belong. A chance to reach their full potential in the field where they excel. A chance to embrace the beauty of turning their weaknesses into strengths. And a chance to prove to others that they have the power to stand out and make a difference in a world of passion.

The SIS has 8 major clubs, namely Mapeh, English, Technology and Livelihood Education (TLE), Science, Araling Panlipunan (AP), Math, Edukasyon sa Pagpakatao (ESP), and Filipino Clubs.

The Sports Club, Performing Arts Club, Glee Club, SIS Dance Guild, Arts Club, and School Band are under the Mapeh Club. While the coordinating clubs of the English clubs are Reading Club, and Literary and Speech Club. Furthermore, the Cosmetics Club, Food & Beverage (F & B), and ICT are under the TLE Club. While in Science Club is the YES-O, in AP Club are Barkada Kontra Droga (BKD), and School Disaster Risk Reducation Management Club (SDRRMC). Moreover, the Mathinik Club and Math Wizards are under the Math Club. While the ESP and Filipino Club have no coordinating clubs.

On the other hand, choosing a club is not an easy decision. It is a decision that needs to be thought of carefully. A decision wherein students may end up asking themselves if they can make it or not or if they are sure about it or not. They may end up doubting themselves, specifically their abilities and talents. However, it is also an opportunity for them to embrace the beauty of uncertainties. An opportunity for them to discover their passion that ignites in themselves. And an opportunity to meet new people who have the same interests as them.

By stepping out of their cages and trying new adventures and challenges, students can fully develop their skills, talents, intelligence as well as they can gain valuable experiences that they can use in reaching the stars of success.

โœ๏ธMarjorie Alolor
๐Ÿ“ธ Shainne Agdon

22/11/2024

Narito na ang mga balitang aming nakalap sa Municipal Cultural and Sports Meet 2024.

Ito ang Adlayag News Flash!

Adlayag Mobile Journalism (MoJo)

Pagsabak sa paparating na labanan, Pinaghahandaan na Naghahanda na para sa paparating na Municipal Cultural and Sports M...
21/11/2024

Pagsabak sa paparating na labanan, Pinaghahandaan na

Naghahanda na para sa paparating na Municipal Cultural and Sports Meet 2024 ang mga atleta sa larangan ng Volleyball Girls at Boys ng Sulangan Integrated School ngayong ika-20 ng Nobyembre.

Bilang paghahanda, isinagawa ng mga athleta sa Elementarya at Sekondarya ang Carbohydrate Loading o mas tinatawag na Carb-loading o Carbo-loading at Hydrotherapy o tinatawag na aquatic therapy o water therapy.

Ang Carbo-loading ay isang estratehiya sa pagkain na ginagawa ng mga atleta na nag-eensayo upang magkaroon sila ng sapat na enerhiya sa mga aktibidad na kanilang gagawin, ito ay ang pagkain ng matataas na halaga ng carbohydrates na isasagawa 2-3 araw bago gawin ang isang mahirap na aktibidad o kompetisyon.

Habang ang Hydrotherapy ay isang uri ng terapiya na ginagamitan ng tubig upang makapagbibigay ng benepisyo sa pisikal at mental na kalusugan ng isang atleta.

Ayon pa kay Gng. Apple Yonco, Head Coach ng Volleyball Girls at Boys ng elementarya, "Kinahanglan ang carbo loading sa mga athletes labi na gyud sa mga competition nga langkuban sang paggamit sang kusog. Labi na gyud ang volleyball. Kay sa hampang nga volleyball, dili lang ang utok ang naglihok sa players, kundili, labi n gyud ang kaabtik sa lihok sang ila lawas. Mao nga kinahanglan gyud mag carbo loading ang mga athletes"

"Stay focus lang gayod during the game. Give and show your best kay once in a year lang mahitabo ini nga competition. Dili tanan bata may abilidad sa volleyball mao nga ipakita ang nindot nga hinampangan kay kamu ang garbo sa Sulangan IS. Ang kadaugan sa team, kadaugan sa tibuok Sulangan," dagdag pa niya.

โœ๏ธ Geralyn Sumalinog

Credit to the real owner of the photo

19/11/2024

Narito na ang mga balitang aming nakalap sa tuloy-tuloy naming paglalayag...

Ito ang Adlayag News Flash!

Adlayag Mobile Journalism (MoJo)

17/11/2024

Here are the latest news that we have gathered in our continuous sailing ...

This is the Adlayag News Flash!

Adlayag Mobile Journalism (MoJo)

๐˜—๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต๐˜ด๐˜ค๐˜ณ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ต. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง Sulangan Integrated School ๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜‹๐˜– ๐˜•๐˜ฐ. 40, ๐˜ด. 2012 ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜Œ๐˜ฅ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ 7 - ๐˜š๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ด, ๐˜Ž. ๐˜Œ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ.

๐˜”๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ. ๐˜•๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ต.

14/11/2024

Pagpapalaganap ng tamang kaalaman

Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng ating kapaligiran, mahalaga ang pagiging handa sa mga posibleng magiging sakuna. Bilang huling National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon,isang malawakang pagsasanay sa kaligtasan ng bawat isa ang nakataya. Mahalaga ang hakbang sa pagpapalakas ng kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral sa harap ng mga natural na kalamidad tulad ng lindol.Nakiisa ang mga mag-aaral ng Sulangan Integrated School sa pagsasanay para matutunan ang tamang mga hakbang sa pag-iwas sa mga posibleng panganib at pagligtas sa mga buhay.

Ang layunin ng NSED ay ang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante,guro o lahat ng tao sa panahon ng lindol. Sa pagpapatunog ng alarma, agad isagawa ang drop,cover, at hold.Pagkatapos ay lalabas ng silid-aralan at magtungo sa ligtas na lugar .

Ang mga pagsasanay tulad ng NSED ay nagiging isang pagkakataon upang paalalahanan ang mga mag-aaral ng kahalagahan ng pagiging handa at alerto sa anumang oras. Ika nga, maging handa upang maging ligtas,ang responsibilidad na sa iyoโ€™y iniaatas.

โœ๏ธ Loren Mae Cueva

Paglilingkod sa Komunidad: Boys Scout lumikha ng coastal clean-up driveInilunsad ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ...
11/11/2024

Paglilingkod sa Komunidad: Boys Scout lumikha ng coastal clean-up drive

Inilunsad ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng Sulangan Integrated School ang isang โ€œcoastal clean-up drive activityโ€at dumalo sa misa na ginanap sa San Juan at San Roque Chapel ng Barangay Sulangan bilang pagdiriwang sa ikatlong araw ng Scouting nitong ikasampu ng Nobyembre.

Naganap ang โ€œclean-up drive activityโ€ sa baybayin ng seaside ng Barangay Sulangan sa ganap na alas 7:00 ng umaga na pinangunahan ng BSP Coordinator ng senior scout na si G. Wilmar Layese ang nasabing aktibidad.

Sa pamamagitan ng kampanyang ito, mapapanatili ang disiplina sa kalinisan at ang tamang pangangalaga sa kalikasan.

Ang kanilang mga pagsisikap ay nakatuon sa pag-alis ng mga basurang plastik, mga itinapon na lambat, mga basag na bote, at iba pang mga basura na naipon sa paglipas ng panahon.

"Everything was great so far. We're able to save the environment and also praise to the lord. The mass is the most important of them all because the lord died for us and for the boys scout cleaning up for saving the environment". Ani nga ni Zayn Cayleb M. Legaspino Isang Junior Scouter.

Umaasa ang Boy Scouts of the Philippines na magiging inspirasyon sila ng iba pang mga kabataan upang magkaisa at magtulungan sa pagsugpo sa mga suliraning pangkalikasan.Sa kabilang banda, marami parin silang natutunan sa tatlong araw ng scouting, umuwi paring masaya't may dalang aral.

โœ๐ŸปShiela Mae Aronales

Sulangan Integrated School Kicks-Off BSP School Backyard Encampment The Boys Scout of the Philippines (BSP) school backy...
10/11/2024

Sulangan Integrated School Kicks-Off BSP School Backyard Encampment

The Boys Scout of the Philippines (BSP) school backyard encampment opening program launched successfully at Sulangan Integrated School (SIS) together with Scouters, teachers, and other stakeholders with the theme "Sustaining Growth, Our World, Our Peaceful Future" this Saturday, November 9 at exactly 8:00 in the morning.

The ceremony began with the entrance of the campers, troop leaders, and staff, followed by Mrs. Letecia D. Tiongzon, BSP Unit Leader, who delivered a warm welcome message by motivating the scouters to learn new skills and work together as a team to achieve their goal.

In addition, Mr. Wilmar M. Layese, BSP Unit Leader, presented the campers, highlighting the efforts on their yell, from Kab Scouts to Senior Scouts.
Additionally, the event featured a message from Royn Camino, the SK Chairman of Barangay Sulangan, and Mrs. Christine Anne D. Alota representing the school, regarding the exploration of scouting backgrounds.
Additionally, Mrs. Maricel A. Ofril, the BSP Adult Leader, highlighted the significance of the theme by discussing its economic, environmental, and developmental implications for future generations.

Nonetheless, Mrs. Rochelle M. Sayson, the SIS teacher in charge, formally announced the commencement of the BSP Camping, signaling the beginning of an unforgettable journey and a sense of togetherness.

As the event began, Mr. Anthony Necesario, the BSP Adult Leader, led the raising of the camp banners and then moved on to the scouting march with the campers.
"Ang akon lang gyud masulti sa tanan nga mag enjoy lng kita kung nano ang mahitabo saton, nya aton e enjoy ang kabudlay nga aton ma agian," Mr. Charles Kyle Tumabiene, Patrol Leader of Libulan, stated.

โœ๏ธ Christopher bueno
๐Ÿ“ทshainne Agdon

Pagkakaisa sa Pagkatuto: Sulangan IS, nakilahok sa pagsasanay sa life skillsMatagumpay na isinagawa ng Feed the Children...
10/11/2024

Pagkakaisa sa Pagkatuto: Sulangan IS, nakilahok sa pagsasanay sa life skills

Matagumpay na isinagawa ng Feed the Children ang unang pagsasanay sa mga kabataan may na temang" Adolescent/ Youth Life Skillsโ€ na nilahukan ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG), Scholars, at iba pang mga representante ng Sulangan Integrated School na ginanap sa Barangay Sulangan covered court nitong ika-siyam ng Nobyembre .

Mahigit 35 taon ng naninilbihan sa Pilipinas ang International Organization ng Feed the Children program . Nakatuon ang kanilang organisasyon sa mga kabataan, ang ilan sa kanilang mga layunin ay walang bata na natutulog ng gutom, nagbibigay din ng suporta sa mga teenager at kabataan sa pamamagitan ng self-training upang mapahusay ang kanilang mga kakayahan at maging handa para sa kanilang kinabukasan.

Napag-usapan nila ang mabisang komunikasyon, kakayahang pamahalaan ang mga emosyon, malikhain at kritikal na pag-iisip, paglutas ng problema at paggawa ng desisyon at gayundin ang kamalayan sa sarili. Pinag-usapan din nila ang mga bagay na nagpapasaya sa mga kalahok at gayundin ang kanilang mga problema.

Nagtampok ng iba't ibang aktibidad ang programa na naglalayong palakasin ang mga kasanayan sa buhay ng mga kabataan. Kabilang dito ang self- awareness,mga laro kagaya ng message relay, action relay, pyramid game, golden bridge, track race, nagbabalat ahas, at forbidden hole.

"Ang purpose sini kay ang life skills kay para ma-enhance, ang una kay ma-enhance ang self-confidence sang atun mga kabatan-onan labi na katong mga Adolescent o Youth kay sila man gayud ang target. Ang ika duha kay para kaning amon na train kay mahimo sila na Youth Facilitator, kay ere-echo man nila sa lain lat na kapuyahan so tungod sina nga pamaagi sa pag re-echo nila kay didto na nila ma-build ang ila self-confidence." Ani pa ni Ma'am Hans Villalobos, Program officer ng Feed The Children.

โœ๐ŸปShiela Mae Aronales
Loren Necesario

PAGDADALAMHATI SA MGA NASALANTA: Sulangan IS, nakilahok sa National Day of Mourning Nakiisa sa isinagawang "Half-mast" a...
05/11/2024

PAGDADALAMHATI SA MGA NASALANTA: Sulangan IS, nakilahok sa National Day of Mourning

Nakiisa sa isinagawang "Half-mast" ang Sulangan Integrated School nitong Nobyembre 4 ng umaga bilang paggunita ng National Day of Mourning upang alalahanin ang lahat ng mga nasalanta at nasawi ng Severe Tropical Storm Kristine.

Ideneklara ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. na ang araw ng ika-4 ng Nobyembre ay araw ng pagluluksa sa mga biktima ng bagyong Kristine,alinsunod ito sa Presidential Proclamation 728 .

Ang matinding pagsalakay ng bagyong Kristine ay nagdulot ng pagkawala ng mga buhay at matinding pagkasira ng mga ari-arian, kabilang ang napakalaking pinsala sa agrikultura at mga imprastraktura, pati na rin ang pagkagambala sa mga kabuhayan, at ang normal na paraan ng pamumuhay ng mga tao, lalo na sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Republic Act No. 8491 or the "Flag and Heraldic Code of the Philippines". Na kung saan ang watawat ng bansa ay nakawagayway lamang sa kalahati o gitna ng "Flagpole" sa lahat ng lugar at mga gusali bilang tanda ng pagluluksa sa panahon ng mga trahedya sa bansa at mandato ito ng Pangulo ng Pilipinas .

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Oktubre 30, ang matinding bagyong Kristine ay nakaapekto sa kabuuang 1,788,630 pamilya o 7,033,922 indibidwal, at nagdulot ng 139 ang nasawi.

โœ๐ŸปPamela Amante
๐Ÿ“ธ Rudy Fuentebella

Address

Sulangan, Cebu
Bantayan
6052

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Adlayag Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Adlayag Publication:

Videos

Share

Category


Other Bantayan convenience stores

Show All