22/01/2021
Benepisyo ng SILI
Health tip ni Dr Willie Ong
Mahilig ba kayo sa sili o sa mga pagkaing maaanghang? Alam niyo ba na bukod sa pampagana ito sa ating pagkain ay may benepisyo pa ang sili.
Hindi pa ito tiyak ngunit mayroon nang pagsusuri na nagpapakita na may tulong ang sili sa ating katawan.
Ang sikretong sangkap ng sili ay ang Capsaicin. Sa katunayan, ginagawa nang supplement o capsula ang Capsaicin. Ang sili ay mayaman din sa vitamin A, vitamin C, potassium, folic acid at fiber.
Maraming klase at kulay ang sili at mayroon ding hindi maaanghang. May kulay dilaw, berde at p**a (green pepper, yellow pepper at red pepper), pero mas mabisa daw ang p**ang sili.
Heto ang posibleng benepisyo ng sili:
1. Para sa may diabetes โ Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
2. Pampapayat โ Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
3. May tulong cholesterol at sakit sa puso โ Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan โ Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.
Para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede din piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.
Para sa akin, wala naman masama kung paminsan-minsan tayong kumain ng sili, bilang gulay o sawsawan. Tandaan lamang na pantulong lang ito sa sakit.
Kailangan niyo pa rin magpasuri sa doktor para sa tamang gamutan. Good luck po.