Ang ibig sabihin ng salitang BAGUMBAYAN ay BAGONG BAYAN (new town or new country), na kasing pangalan ng pook na BAGUMBAYAN na ngayo’y Luneta o Rizal Park, at ng bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao. Tatlong Bayan sa Rizal ang may mga baryong nagtataglay ng pangalang BAGUMBAYAN at ito ay ang mga bayan ng NAVOTAS, TAGUIG, at TERESA. Ang pangalang BAGUMBAYAN ay dating nilalagyan ng dugto
ng na IBABA upang makilala at mapaiba sa isa pang kalapit na baryo, na dating bahagi ng Bagumbayan, na ang pangalan ay BAGUMBAYAN ITAAS. Nang pagtibayin ng Hunta Probinsyal ng Rizal noong 1965 ang kahilingan ng mga mamamayan ng baryo Bagumbayan Itaas na palitan ang pangalan ng baryo upang gawin itong.SAN PEDRO, naging iisa na lamang ang baryong nagtataglay ng pangalan Bagumbayan, walang karugtong na IBABA. Populasyon:
Ayon sa Census na kinuha ng National Census and Statistic Office noong Mayo 16, 1975 ang baryo Bagumbayan ay may populasyon na 1,714 katao. Ito ay may pinakamalaking Barrio Multi-Purpose Center noong 1972 na nagsisilbing silid-aralan, presinto, bahay pulungan, barrio health center, at kung bumabagyo o lumalaki ang tubig, tulad ng baha ng Hulyo –Agosto 1972, ay ginawang relief center ng baryo at pansamantalang kanlungan ng mga binahaan o biktima ng bagyo. Hangganan o Nasasakupang Teritoryo:
Alinsunod sa kapasiyahan Blg. 140, Taong 1973 ng Konseho Munisipal, na pinagtibay noong Sept. 28, 1973, ang sumusunod ang siyang hangganan ng baryo BAGUMBAYAN:
HILAGA ( N ) – Baryo Poblacion Ibaba – mula sa Capt. Allano St., sa pag-itan ng Doon Aurora St., at E dela Paz St., patungong Capt. at Paso, hanggang Kuluban, Wawa at Laguna de Bay;
SILANGAN ( E ) – Baryo San Pedro at Capt. Allano St. – mula sa pag-itan ng E dala Paz St. at Dona Aurora St., nanunusog ng Capt. papuntang Tayuman, Binangonan, Rizal;
TIMOG ( S ) – Brgy. Pag-asa, Binangonan, Rizal – mula sa hanggang ng San Pedro na tinutumbok ng Capt. nanunusog ng hangganan ng Pag-asa, patungong Wawa at Laguna de Bay. KANLURAN ( W ) – Laguna de Bay – mula hangganan ng Tayuman sa dagat hanggang sa hangganan ng Poblacion San Clemente sa dagat din. Kasaysayan ng Pagiging Baryo:
Ang baryo BAGUMBAYAN ay isa sa pinakamatandang baryo sa Angono, Rizal. Nabanggit ito sa Census of the Philippines of 1903 bilang isa sa limang baryon g pueblo ng Angono nang dumating dito ang mga Amerikano. Ang limang baryong ito noong 1903 nang pueblo pa ang Angono na kasama ang Baryo Bagumbayan ay ang mga sumusunod:
Poblacion (Bagumbayan) ---------------------------------------- 553
Poblacion (Ibaba) ---------------------------------------- 561
Poblacion (Ibayo) ---------------------------------------- 773
Poblacion (Itaas) ---------------------------------------- 303
Poblacion (Muzon) ---------------------------------------- 29
KABUUAN ---------------------------------------- 2,231
Nang isama ang Angono sa Binangonan sa bisa ng Acta 984 ng U.S. Philippine Commission, ang Angono ay hinati sa dalawang baryon g Binangonan, at ito ay ang Angono Norte at Angono Sur. Ang Angono Norte ay ang mga pook sa kabila ng ilog Angono na malapit sa Taytay. Ang Angono Sur, ay aang mga pook sa kabila ng ilog na malapit sa Binangonan. Ang Baryo Bagumbayan, kasama ang POBLACION IBABA at POBLACION ITAAS ay kabilang sa Angono Sur bilang isang sitio. Ang katawagang ANGONO NORTE at ANGONO SUR ay hindi naging popular sa mga tag-Angono pagka’t ang mga lugar sa Angono ay tinatawag pa rin sa kinagisnang pangalan tulad ng IBAYO, IBABA, WAWA, ITAAS, LIKOD KAWAYAN, B**A, BALITE, MANGGAHAN, BARAKA, at iba pa. Nang muling maging isang munisipyo o bayan ang Angono noong Enero 1, 1939 sa bisa ng Esxucutive Order No. 158 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Agosto 19, 1938, muling inorganisa at itinatag ang mga baryo at Angono Lima ang itinatag na Baryo noon at ito ay may populasyon tulad ng sumusunod:
1.Bagumbayan ------------------------------------------------------ 995
2.Poblacion ------------------------------------------------------ 965
3.San Isidro ------------------------------------------------------ 727
4.San Roque ------------------------------------------------------ 594
5.San Vicente ------------------------------------------------------ 615
Total ------------------------------------------------------ 3,896
Mga Dating Hangganan ng Baryo:
Mula 1939 hanggang 1952, ang baryo Bagumbayan ay “binubuo ng lahat ng pook sa Calle dela Paz, abot magkabilang dulo at kalahati ng mga pook sa pagitan ng Calle Doña Aurora at E. dela Paz.”
Noong 1952, sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 2 ng Konseho Munisipal ang hangganan ng BAGUMBAYAN IBABA ay binago at inaurong hanggang Capt. nang likhain ang Baryo POBLACION ITAAS, na ang sinasakop ay ang Doña Aurora St. at E. dela Paz St., mula Capt. hanggang San Pedro at Baryo Poblacion Itaas (Gitnang Bayan). Magmula noon (1952) hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Kap. Blg. 140, na pinagtibay nitong taong ito, 1973, ang hangganan sa Silangan ng Baryo Bagumbayan ay ang Capt. Mga Namumuno Sa Kasalukuyan 2018-2022
KAPITAN : ADELINO DB. NER
MGA KAGAWAD:
JAMES M. MENDOZA
RODELMO M. INTALAN
FERNANDO L. NOBLEJAS
ARNOLD P. TUAZON
MARK LOUIE S. MIRANDA
ALVIN T. BALAJADIA
SK CHAIRMAN: JAMES R. COMIA JR. KALIHIM : LORENA U BAUTISTA
INGAT-YAMAN: MA. KATRINA I. BAUTISTA