14/06/2024
๛.
“ naniniwala ka bang may forev ─ ” hindi.
lahat naman tayo mahihimlay, mababaon naman 'tong katawan natin sa hukay. matatapos naman 'tong ating buhay. kaya walang ‘ walang hanggan ’ kasi wala namang walang hanggang mabubuhay.
kahit naman sa pag-ibig, wala rin. bitter na kung bitter pero ang paborito kong linya ay ‘ walang forever. ’ sa huli sasabihin lang “ salamat sa lahat, ” “ masaya akong nakilala kita, ” “ hanggang sa muli, mahal na mahal kita. ” oh, eh ano. kung sakit lang din naman yung isusukli, p'wes 'di na ako bibili, sayang lang barya.
hindi naman ako ganito nang dahil lang sa walang rason. sabihin na nating mahilig ako sa obserbasyon, kung paano ang mga mag ‘ partners ’ magmahalan at kung paano rin sila maghiwalayan. wala namang bago, 'yon naman talaga yung sukdulan.
“ may lucky me kayo, yung chicken na pleybor? ” gano'n na gano'n pagkakasabi mo sa ‘ flavor ’ bukabularyo mo parang 'di ka nag-grade 2.
“ wala. ” hindi ko siya tinapunan ng tingin at nakatutok lang sa selpon ko.
“ sinungaling, ayon oh! ” kunot noo kitang tiningnan dahil kita mo naman pala nagtanong ka pa. istorbo sa paglalaro ko ng ML, eh.
“ ilan ba bibilhin mo! ” nakakainis, ba't ba kasi ako yung pinagbantay sa tindahan, baka mawalan 'to ng kostumer 'pag mainit ulo ko.
“ isa lang, pabili na rin ng dalawang itlog. ” at may dinagdag pa nga.
“ may itlog ka naman, ah. ” bulong ko habang nakatalikod. medyo malakas-lakas na klase ng pagkabulong.
“ bakit? mahahalo ko ba 'to sa lucky me? at saka, binulong mo pa, narinig ko naman. ” kunot noo siyang sumagot pero wala pa ring emosyon yung mata niya. huwaw, ano siya cold?
“ ay hindi ko naman sinisikret! oh, ayan. 35 lahat. ”
“ thanks. gandang sungit. ”
nakakainis! gusto ko siyang murahin, 'kala niya siguro makukuha niya ako sa “ thanks, gandang sungit. ” oo gwapo siy─ ano?! gag*!
─ a d é l i e ☪︎