01/04/2023
Ikaw ba ay isang sunud-sunuran?
Yung isang sabi lang niya,
ikaw pa yung natataranta
masunod lang ang gusto niya?
Halimbawa:
Them: “Ikaw nga magbayad ng tubig namin”
Us: “Ah o sige sige.”
Them: “Padalan mo na ako ngayon na”
Us: “Sige gagawan ko ng paraan”
Them: “Nasa’n na yung padala ko??”
Us: “Wait lang, ito na”
May mga ganito talagang tao.
Na kapag nagdemand akala mo
may mga patago.
Pero heto tayo, natataranta
at lagi na lang sila pinagbibigyan.
At sila, tuwang tuwa kasi
napapaglaruan nila ang damdamin natin.
Alam kasi nilang bibigay tayo
sa mga hiling nila.
Wala naman masama tumulong
kung kinakailangan, pero kapag
nasanay, makakaugalian na nila ito.
Tatamarin na at parati na lang aasa.
Paano ba malalaman na tayo
ay isang sunod-sunuran?
AAYAW SA UNA PERO MAGBIBIGAY DIN NAMAN
Sa isang segment sa radio show ko noon
nasabi ko na kapag ang isang tao ay adik,
ang may kasalanan, hindi ang adik,
kundi tayong mga enabler.
Enabler ibig sabihin, kunsintidor.
Step 1. Hihingi sila.
Step 2. Magagalit tayo at magrereklamo.
Step 3. Aaayaw at hindi sila kakausapin.
Step 4. Ibibigay ang gusto para matapos na.
Step 5. Back to step 1.
Kung tulong na rin lang, okay lang.
Lalo na sa mga magulang nating
wala ng kakayahang magtrabaho.
Pero sa mga taong malakas ang pangangatawan
at ni-ayaw magbanat ng buto at umaasa lang sa hingi,
master na master na nila ang ganitong style.
Pero dahil sila ang nasusunod
at kumokontrol sa atin parati,
nagbibigay din tayo bandang huli.
NAIINIS TAYO PERO AYAW NAMAN NATIN SILA TURUAN
Naiinis tayo.
Ang dami dami nating sinasabi tungkol sa kanila
pero pagdating naman ng hingian time,
ang tanging nagiging solusyon lang natin
ay MAGBIGAY ng pera.
Kaya ang nangyayari, hindi nila
sineseryoso yung galit at inis natin
kasi alam na alam nilang lalambot din tayo.
Alam na alam nilang bandang huli,
magbigay ng pera lang ang tanging solusyon natin
imbis na turuan natin silang magkapera.
Baka pwede namang trabaho
ang ihanap natin sa kanila o kaya
tulungan silang magbenta ng mga
hindi na ginagamit at gamiting pampuhanan.
Tandaan na hindi laging pera ang tulong.
Ang tulong pwedeng ADVICE, EFFORT,
o mga PANGARAL.
HINDI TAYO CONSISTENT SA SINASABI NATIN
Sa una matapang.
Talagang dinidikdik natin na
|hindi natin sila pagbibigyan this time.
Pero kaunting:
“Please, ikaw na lang inaasahan ko”
“Para namang hindi tayo magkapatid”
“Ang damot mo naman”
Ayun, bibigay at kakalimutan na
natin yung mga sinabi natin.
Alam n’yo bang kapag hindi tayo consistent,
paglalaruan lang nila tayo parati?
Iisipin nila na madali lang pala
makuha ang loob natin.
Madali naman pala tayo mabilog kung baga.
Kung may gusto tayo iparating
at ituro sa kanila, stick to it and
explain natin kung bakit
kailangan nating humindi sa kanila
lalo na kung alam nating tama tayo.
“Kapag humingi sila ng tulong, hindi laging pera ang usapan.
Ang tulong, pwedeng advice, tips, opinyon, o pangaral.
Dahil kapag pera lang lagi ang ating solusyon sa kada hingi, tayo na rin ang kumukunsinte.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. May kilala ka bang sunud-sunuran? O tayo ba mismo ay ganito?
2. Kanino at tuwing kailan?
3. Paano natin babalensehin para hindi natin sila makunsinte?
===================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access