dump scratch ng mga saloobing hindi ko masabi

  • Home
  • dump scratch ng mga saloobing hindi ko masabi

dump scratch ng mga saloobing hindi ko masabi tanikalang naka-lete sa bawat parapo ng mga sulat na natambak sa microsoft word

kakaiba ang bigat ng mundo kasi kung susumain mo e humigit-kumulang anim na septillion kilo ay isang testamento matindin...
26/07/2024

kakaiba ang bigat ng mundo kasi kung susumain mo e humigit-kumulang anim na septillion kilo ay isang testamento matinding pisikal na kalubhaan nito. dala nito ang bigat ng sarili nitong kasaysayan, ang patuloy na ebolusyon, at ang patuloy na pag-ikot nito sa paligid ng araw. miski ang bigat ng mga nakaraang sibilisasyon na bumangon at bumagsak, na nag-iiwan ng mga misteryo at kababalaghan. pero naisip mo bang kapag ibinaling mo ang ating tingin sa kolektibong puso ng sangkatauhan? makikita mo ang isang pasanin na, bagama't hindi gaanong nakikita, ay hindi gaanong mabigat. maraming hinaing ang binibitbit ng puso ng sangkatauhan, kumbaga dala nito ang bigat ng pag-ibig at pagkawala, ang saya at kalungkutan, ang pag-asa at kawalan ng pag-asa. pwede ring bigat ng mga pangarap na pumailanglang kasing taas ng langit at mga takot na bumabaon sa kailaliman ng lupa. dinadala nito ang bigat ng kasalukuyan, kasama ang mga pang-araw-araw na pakikibaka, mga tagumpay, at mga pagsubok. at dinadala nito ang bigat ng kanyang hinaharap— hinaharap na hindi tiyak, ngunit puno ng pangako ng posibilidad.

asyeteh

The reason why you’re still healing is because you’re healing in a right way and you’re not finding something or someone...
24/07/2024

The reason why you’re still healing is because you’re healing in a right way and you’re not finding something or someone to fill that void

it’s okay to still grieve on that person or the memories, it’s okay to still cry and be mad at them, it is absolutely normal because you were left empty and hurt. The long process of healing doesn’t mean you’re the wrong one or you can’t move on because you’re helping and taking care of yourself, when you heal it dosent mean you’ll be healed right away.

I know you’re eager to heal quickly so as wanting to forgive them, but it will take a long process because you were hurt and you’re still healing, forgiveness is a choice but a long process so you shouldn’t force yourself to be healed and forgive if you really can’t yet, just take your time.

Right now, you may feel anger, grief, pain, sadness, it’s okay. I hope you know that there will be good days and it isn’t the end of the day or your story. You will be fine, it may be not now, but sooner or later.

love yourself so you won’t allow something or someone to destroy you again, you don’t deserve it – choose the people you love.

—Cejx

may mga oras na di ko kontrolado ang mga luha ko na kulang na lang ay dugo na ang lumabas sa mga mata ko, makikita mo na...
17/03/2024

may mga oras na di ko kontrolado ang mga luha ko na kulang na lang ay dugo na ang lumabas sa mga mata ko, makikita mo na lang na kusang babagsak ang mga ito na halos nakikipag-unahang maka-dampi sa pisngi ko. hindi ko alam kung bakit, siguro dahil malapit na ako sumabog o baka dahil di ko na kaya pang mamuhay sa mundo at tahanan kong mapang-api.

lantad sa mga bisig ko ang mga pasang dinulot ng pagdadamot sakin ng kaligayahan ng mundo. walang ibang dinulot kundi sakit at p**t. sobrang tagal kong kinimkim ang mga sugat at galit na natamo ko kung kaya siguro kusang nalaglag ang mga luha ko.

bahid sa mata ko ang hindi pagsisinungaling sa kung ano ang tunay kong nadarama. ikukumpara ko ang mga katanungan ko sa mga lohikang mahirap sagutin kung kaya pinagsawalang bahala na lang, at nagbabakasakali kung may sasagot ba ng mga ito.

wag mo ako titigan nang may panghuhusga na kung bakit di ko agad mabitawan sa isang salita ang mga hinanakit ko, hindi yon ganon kadali.

nonsense ang mamuhay kung wala itong patutunguhan.

migs at asyeteh sa kaha ng problema
kredito sa may-ari ng litrato.

marami ang nangyayari tuwing takip silim na lihis sa ideya ng mga taong hindi ito nakikita. taliwas sa kung anong konsep...
16/03/2024

marami ang nangyayari tuwing takip silim na lihis sa ideya ng mga taong hindi ito nakikita. taliwas sa kung anong konsepto ang alam. barubal na pamamahala ang ginagawa ng mga mapag-mataas sa kasalukuyan, maraming espayo pero tila masikip at nakakatanggal hininga kung iyong pagmamasdan ang kalidad ng sistema. bulok sa madaling salita.

hindi saklaw sa maayos na pangangasiwa ang kinalakihan ko, na kung susumain mo ay ibang iba sa iba na walang bahid ng korapsyon at sa kasalukuyan, maraming mga mapagmataas ang nasa kapangyarihan na hindi naglalayon sa kapakanan ng mga mamamayan. itong mga ito ay nagpapatuloy sa pang sariling interes at hindi binibigyang pansin ang tunay na nangangailangan. magkabilaang isyung pamantayan ang sumasaklaw sa ideya ng mga taong wala sa tamang katuturan. bulag sa sistemang di maka-tao at silaw sa yamang naka-dungaw.

marumi at malalim ang problema sa sistema. pansin mo ang iba na kapit sa patalim kung mamuhay, pero para sa iba ay madali lang kitain ang sentimo. pondo ng bayan ibinubulsa.

walang pag-asa kung may mandurugas.

migs at asyeteh sa kaha ng problema.
kredito sa may-ari ng litrato.

hindi ako makasarili. hindi ako maramot. kung gusto ko umalis sa mapait na mundo, isasama kita. gusto ko rin na maramdam...
11/03/2024

hindi ako makasarili. hindi ako maramot. kung gusto ko umalis sa mapait na mundo, isasama kita. gusto ko rin na maramdaman mo yung parteng matamis at masaya sa mundong to, yung walang pagka-bayolente at kirot na pumapasan sa mga likod mo. oo, siguro, alam ko namang di yan ganon kadali pero kapag sinabi ko, gagawin ko. hindi naman kasi maaliwalas tingnan o suriin na imbes na humimlay ka nang matiwasay at maayos, e, mas iisipin mo pa na bakit ka pinanganak sa mundong may dalamhating dala sa bawat banda ng sulok nito.

ramdam kita. ramdam ko ang buong pagkatao mo. hindi ako balat-kayo. hindi ako sino para magpaka-manhid na hindi madama kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan mo, bagkus, isa akong sino na gayak kang akayin patayo sa pagka-lugmok mo. hindi ko rin kasi matiis na makitang may luhang nag-uunahang bumagsak diyan sa mga pisngi mo, lalo na't dahilan nito e ang pagiging miserable ng buhay mo. hayaan mong palitan natin ang lungkot mo ng masayang karanasan.

gusto kita hagkan at yapusin nang mahigpit kaya hayaan mo ako. hayaan mong ipadama ko sayo ang init ng lambing ko. hindi ko sasayangin yung mga oras para lang sa walang kabuluhan kong kaartehan, kasi kung papipiliin ako kung ano ba mas pipiliin ko, e, ang pipiliin ko yung sumaya tayong dalawa. kumbaga ganito kasi yan, baka sakali na di mo ako maintindihan; gusto kita sa piling ko at handa ako sumugal. tutulungan kitang gamutin ang mga sugat na nagmarka sa kalooban mo.

dominante ang pagkakakulong sa mundong masalimuot; ligtas ka sa mga bisig ko. masiso ako pagdating sayo.

migs at asyeteh sa kaha ng problema.

09/03/2024

kumusta? hiring ako ng admins ngayon, restarting kasi.

sobrang sarap, no? ang gaan sa pakiramdam kapag alam mong dedicated ka sa isang tao. kumbaga may strong connection kayo ...
22/01/2024

sobrang sarap, no? ang gaan sa pakiramdam kapag alam mong dedicated ka sa isang tao. kumbaga may strong connection kayo na ramdam na ramdam mo. ang saya kaya kapag handa kang mag take ng risk para sa tao na gusto mo na, mahal mo pa. sobrang nakakataba rin ng puso kasi ang saya-saya ng buhay kapag ramdam mo yung presensya niya.

palibhasa kasi alam mo kung nasan ang kiliti ko.

kredito mula sa may-ari ng litrato
migs at asyete sa kaha ng problema

03/01/2024

alam mo ba na palagi akong sinabihan ni papa na “ang babaw nang kasiyahan mo”?

noon naisip ko na tama si papa ang babaw talaga nang kasiyahan ko‚ pero ngayon‚ naintindihan ko na.

ako kasi ang tipong babae na ang lakas tumawa sa mga biro nina papa o kay kuya pwede ring sabihin natin na mga biro nang mga taong mahal ko. kahit wala namang nakakatawa‚ kahit ako lang tumawa mag-isa kasi nga hindi talaga nakakatawa pero tumatawa pa rin ako‚ bal*w diba? kaya ang resulta tumatawa na rin sila.

Alam mo bakit ako tumatawa sa mga biro nila‚ kahit hindi naman talaga nakakatawa? kasi masaya ako na kasama sila‚ kaya tumatawa ako sa simpleng biro nila kasi nga masaya ako.

At alam mo rin ba kung bakit natatawa rin sila? kasi nararamdaman nila na masaya ako kapag kasama ko sila kaya sila natutuwa. kahit hindi ko sinasabi sa kanila na “masaya ako kapag kasama ko kayo” na iparamdam ko naman na kung gaano ako ka saya na kasama ko sila.

oo “ang babaw nang kasiyahan ko” pero “naipakita ko sa kanila ang lalim nang aking nararamdaman”.

tiyak na iba talaga ang salita kaysa gawa diba?

ganoon din ang pagmamahal‚ mas maganda kung ipaparamdam mo na kung gaano mo ka mahal ang isang tao kaysa sasabihin mo araw-araw na mahal mo siya.

—ilyn

simula pagkabata ko, bilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses ng kaligayahan yong naranasan ko. 90% ng buhay ko e ti...
30/12/2023

simula pagkabata ko, bilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses ng kaligayahan yong naranasan ko. 90% ng buhay ko e tila ang dominante ay ang pagkakulong sa isang malungkot at mapait na realidad. yong buhay ko parang puno na lang ng kalungkutan at hirap. ni hindi ko alam kung bakit, pero parang lahat ng bagay e puro pagiging miserable.

bawat paglingon ko sa nakaraan ko, wala akong matagpuan na alaala ng tunay na saya. nagmumukha tuloy rollercoaster ng problema buhay ko, naka-loop na pabalik-balik sa kadiliman. di ko tuloy maiwasan na di mainggit sa mga taong nakapaligid sa akin, feeling ko kasi nabiyayaan sila ng mas malalim na kahulugan ng kaligayahan

mayroon ding mga oras na hindi ko hinahayaan ang sarili ko na magpasakop sa lungkot at kadiliman. kasi sa kabila ng mga pagsubok at hirap, naniniwala ako na may liwanag na naghihintay sa dulo ng daan. dahil nga ang buhay ay isang magulong tula na puno ng mga kahulugan.

kahit pa na ang buhay ko e puno ng mga suliranin at pagkakamali, hindi ko naman susukuan to. patuloy akong maglalakbay, mag-aaral, at magbabago o mago-grow bilang ako. kasi sa bawat pagkakataon na may natututunan ako, lumalalim pagkaka-unawa ko sa mga bagay bagay. bawat hakbang na tinatahak ko, lagi akong umaasa na sa dulo ng aking paglalakbay, matatagpuan ko ang tunay na kasiyahan na matagal ko nang hinahanap.

malungkot ako kapag wala akong pera.

migs at asyeteh sa kaha ng problema
kredito sa may-ari ng litrato

ang bawat kapeng hinihigop sa tasang babasagin ay siyang nagpapadagdag ng kaba sa mga nais kong sabihin sa'yo, sinta. na...
19/12/2023

ang bawat kapeng hinihigop sa tasang babasagin ay siyang nagpapadagdag ng kaba sa mga nais kong sabihin sa'yo, sinta. nais kong sabihin na ikaw ay aking namimiss, ngunit para saan pa? para saktang muli ang sarili?

ako'y lalagok na lamang muli ng kape kahit na sobrang pait at hindi na muling lalagyan pa ng asukal dahil wala na akong maramdaman pang tamis magmula ng ika'y manlamig sa akin. kailan ko kaya makikitang muli ang tamis ng iyong ngiti at liwanag ng iyong mukha sa tuwing tayo ay magkasama?

mukhang malabo na dahil sa tuwing ako'y iyong nakikita ay para kang kapeng barako sa sobrang dilim ng iyong ekspresyon sa akin at nais kong isuot ang aking jacket sa sobrang lamig ng iyong presensya. miss na kitang timplahan ng kape na may kasamang pagmamahal.

miss na kita, sinta.

- autreau

naging bahagi na talaga ng buhay ko ang pag-akyat at pakikipagsiksikan sa jeep. sa bawat byahe nito ay naka-abang ako sa...
17/12/2023

naging bahagi na talaga ng buhay ko ang pag-akyat at pakikipagsiksikan sa jeep. sa bawat byahe nito ay naka-abang ako sa mga kwento ng mga tsuper. marami rin ang naaliw sa mga tugtugin nito na napapangibabawan din ng mga kuwento ng pasahero; tsismis dito, tsismis doon. sa pagsakay mo pa lang sa jeep e marami nang ganap, minsan pahirapan pa mag-abot at bigay ng bayad kasi walang pumapansin hahahaha. naging parte na to ng paglaki ko dahil na rin sa ito yong nakasanayan kong sakyan at hindi sa mga taxi o bus kasi nahihilo ako roon, pinaka masayang parte sa jeep ay yong upuang katabi ng tsuper, passenger princess ang atake ko kada uupo ako roon.

i totally don't agree with the plan to remove those jeepneys from the road. hindi lang naman sila simpleng sasakyan, but also a symbol of our culture and identity as a filipinos. jeepney drivers are heroes behind the wheel. they work for their families and provide service to us; mga pasahero. marami sa kanila ang nagtatrabaho nang marangal at nagpupunyagi sa kabila ng mga hamon ng buhay. mayroong mga jeepney drivers na napagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral, kaya nga minsan kada may naririnig akong kwento sa mga yon talaga namang natotouch ako nang sobra.

umaasa tayo sa mga jeep habang ganon din ang mga driver nito, umaasa sa atin para maitaguyod at magkaroon ng pang provide para sa pang araw araw nilang pangangailangan, kaya kung tatanggalin natin ang mga jeepney e maraming tao ang maaapektuhan; mga estudyante, manggagawa, at iba pang ordinaryong mamamayan ang mahihirapan sa paghahanap ng ibang paraan para sa transportasyon. hindi rin dapat kalimutan yong mga lokal na negosyo na umaasa sa mga jeepney para sa kanilang kabuhayan.

sa halip na i-phaseout ang mga jeepney, bakit hindi na lang natin suportahan at bigyang halaga ang modernisasyon at pagpapahusay ng mga ito? magpatupad ang nakakataas ng mga patakaran na naglalayong mapabuti ang mga jeepney sa aspeto ng kaligtasan, kalinisan, at epektibong paggamit ng enerhiya. baka nga sa ganitong paraan e mapapalakas pa natin ang sektor ng transportasyon at magbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga kababayan.

itong mga jeepney at mga jeepney driver e naging bahagi na ng ating kultura at kasaysayan. hindi naman makatarungang yong balewalain o ituring natin na hindi ito mahalaga.

minsan, iniisip ng iba na hindi gaanong importante ang mga ito, pero marami sa atin ang umaasa sa kanila. corrupt at walang kwentang gobyerno at pamamahala ang iphase-out niyo.

NO TO JEEPNEY PHASE-OUT ‼️‼️

asyeteh sa kaha ng problema
kredito sa may-ari ng litrato



alam mo, mahilig akong pumunta sa iba't ibang lugar para na rin sa panandaliang kaluwagan mula sa mga problema sa buhay ...
07/12/2023

alam mo, mahilig akong pumunta sa iba't ibang lugar para na rin sa panandaliang kaluwagan mula sa mga problema sa buhay at sa tahanan. kasi sa through this thing, umaasa akong mabawasan ang bigat ng mundo sa aking mga balikat and find a space of silence that i still haven't found.

it became a way to get away from the worries and challenges of life. with every step i take, i assumed na makakahanap ako ng mga sandaling walang pag-aalala at takot. but because of this i learned that the true peace is not only found in the places where i always go, kasi hahaha totoo naman na yong paborito kong tambayan hindi ganon katahimik, matatagpuan ko rin pala to sa sarili ko, tagal tagal kitang hinahanap pero nandito ka lang pala sakin. i pity myself.

migs sa kaha ng problema
kredito mula sa may-ari ng litrato

paborito ko talaga yong mga oras na panonoorin kong lumubog yong araw kasi ibig sabihin daw non ay nagawa mong maka-surv...
06/12/2023

paborito ko talaga yong mga oras na panonoorin kong lumubog yong araw kasi ibig sabihin daw non ay nagawa mong maka-survive sa araw mo na puno ng problema, nagawa mong maging matatag after all struggles. totoo naman, e, na sa huling paglubog ng gabi, laging may darating na mas maliwanag na bukas at sa gitna naman ng kadiliman, may isang kwento ng pag-asa at pagbangon na naghihintay sa atin.

iyong buhay ko nag-uumpisa sa isang malalim na gabi, where the stars are slowly disappearing while my heart begins to be surrounded in sadness. naglalakad akong mag-isa sa gitna ng dilim kumbaga para ko tong ineexplore, na naglalayong matapos na lahat ng problema ko kahit di naman talaga mangyayari dahil impossible; i'm carrying the weight ng mga struggles and failures ko.

dito samin mayroong maliit na bahay sa loob ng eskinitang hindi ganon kasikip at kaluwag, katamtaman lang kumbaga. every time i pass by there, i don't see enough children playing, how at such a young age they're bearing the family's problems. ayon nga, every time i pass by there, i remember a lot of memories in that place, how come i used to like to hang out there when i was young; i didn't have any problems in those days kaya ayan i badly want to go back to my childhood days.

mayroon pa nga when the paths of my main character and the old friend of mine cross, may nade-develop na special connection. every conversation, we shares our stories of success and resilience mula sa mga pinakamalalim na experiences of loss and failure naming dalawa. sa bawat chitchat namim, it becomes clear na darkness of the night is not permanent, and there is always hope after the sunset— through the stories of the both of us, our main character learns na bawat challenge comes with an opportunity for growth and change. sa bawat hakbang na ginagawa natin, we slowly discover the light na nasa labas ng tunnel which is ang pag-asa o kinabukasan.

sa dulo non, we gain a new perspective. we are no longer afraid of the darkness of the night, since we knows that with every sunrise, there is always hope that shines. na bawat struggles and failures become steps towards our success and growth. kaya ayon, pinipili kong maging matatag ulit after ako patumbahin ng alon ng mga problema; as it reminds us that in every dark night, there will always come a brighter tomorrow. hindi naman kasi mawawala ang pag-asa, and in every challenge, there is always an opportunity for resilience and progress. future is always brighter than the past, and in every sunset, there is always hope that shines.

kaya kung namomroblema ka ngayon, try to read this. hindi nawawala ang problema pero much better na may solusyon dito.

asyeteh sa kaha ng problema

ang mga ngiti sa iyong labi ay nakakabighani. mga salitang iyong binibitawan ay siyang nagbibigay sa akin ng motibasyon ...
26/11/2023

ang mga ngiti sa iyong labi ay nakakabighani. mga salitang iyong binibitawan ay siyang nagbibigay sa akin ng motibasyon na lumaban sa mundong ating ginagalawan. sa mga maliliit na detalyeng aking nakukwento ay siyang naaalala mo, at ito'y nagiging dahilan ko upang mas lalong magkagusto sa isang tulad mo.

gusto mo ba ako o binibigyan ko lamang ng kahulugan ang mga kinikilos mo?

ayan ang tanong ko sa aking sarili na siyang binigyan mo ng agarang sagot. hindi pala ako ang dahilan ng mga ngiti mo sa labi, at wala palang kahulugan ang mga kilos na iyong pinapahiwatig. ako lang pala ang nahuhulog sa mundo mo samantalang ikaw ay sa kanya umiirog.

- autreau

22/11/2023

i’m still here
when you need a
shoulder to cry on.

ilyn

29/10/2023

i love the feeling
of sparks all over
my body whenever
i feel your arms around me

27/10/2023

alam mo bang tuwing nakikita kita, parang natigil ang mundo ko? slowmo ang lahat na kahit pag-wagayway ng bulaklak ay kapansin-pansin.

tanging ikaw,
at ang mga ngiti mo lang.
para sa akin,
isang anghel ka na para sa akin.

— sunzie

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when dump scratch ng mga saloobing hindi ko masabi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Convenience Store?

Share