tanging ngiti mo lang
ang aking kailangan‚
upang pagod at sakit
ay malisan.
hindi na ‘ko maghahanap
ng iba‚
‘pagkat sayo’y kuntento’t
m a s a y a
na.
21/09/2023
normalize saying “you’re worth it” to the people who are insecure about themselves.
17/09/2023
“anak! sabi ko anong pizza?”
“september 17 ma!”
15/09/2023
ang sarap bumalik
sa pagkabata‚
‘yung tipong naglalaro
ng lutu-lutuan gamit
ang kalderong lata.
ihambing mo sa sitwasyon
ngayon‚ andaming
mga gawain at
problema. maaari nalang
ba tayong bumalik sa
dating panahon?
—susie
12/09/2023
aking guro‚
ikaw ang aking idolo
sa pamamagitan
ng iyong
pagtuturo‚
ako ay natuto.
ako’y
maraming nalaman
gayon di’y
natuklasan.
—susie
11/09/2023
ang ganda
ng umaga‚
parang ikaw‚
kakagising palang
nakakasilaw na.
11/09/2023
selos‚
ang nararamdaman
ko’t sa puso’y tagos na tagos.
masakit makita na
may kasama kang iba‚
habang iniisip kong
sa kinatatayuan niya’y
kaya ko siyang palitan‚
ngunit sumagi
sa aking isipan‚
wala nga
pala akong
k a r a p a t a n.
—susie
31/08/2023
i’ll graduate no matter how people degrade and understimate me, one day you'll see.
—guitarist cgf.
28/08/2023
kay lakas
ng hangin‚
pati mukha ko’y
damang-dama
ang lamig
na dala nito
sa akin.
hampas ng alon
at malakas
na ulan
ay
magiging
pahinga
magpakailanman.
27/08/2023
labis ang ngiti kapag ika’y kaharap.
—adie
27/08/2023
i just
heard
you
f o u n d
the
o n e
you’ve
been looking.
26/08/2023
“magwawala talaga ako ‘pag iniwan mo ‘ko.”
“hindi nga kita iiwan‚ ang kulit neto.”
—
26/08/2023
“a-ahm‚ jacob.. pwede ba tayong mag-usap?
“pwede naman. ano ba ‘yon?”
“gusto ko lang linawin sa ‘yo.. ‘yung mga pinapakita at pinaparamdam mo sa ‘kin.. may m-meaning ba lahat ng iyon?”
“what do you mean‚ trish?”
“the way you care for me‚ the way you treated me..”
“ah iyon lang ba? syempre kaibigan kita. tsaka may nililigawan na ‘ko‚ trish. ikaw talaga.”
sabay na paggulo niya sa buhok ko. ‘tila ako’y nabuhusan ng mainit na tubig sa kaniyang mga sinabi. lahat nga ba iyon ay pagmamalasakit niya lang? o ako ang mali dahil binigyan ko ng kahulugan ang katotohanang hanggang kaibigan lang?
—
26/08/2023
“gayahin mo si ano oh—”
“edi sana siya nalang naging anak niyo!”
26/08/2023
“ah okay.”
“parang tanga‚ tampo nang tampo ‘di ko naman jowa.”
Be the first to know and let us send you an email when pahina ni mareng susie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.