mga comments sa youtube at iba pang sub-genre ng modern filipino fiction

  • Home
  • mga comments sa youtube at iba pang sub-genre ng modern filipino fiction

mga comments sa youtube at iba pang sub-genre ng modern filipino fiction open 24/7 pero closed tuwing 10 dahil nangungulila ang mga cashier. welcome!

"good morning, ma'am, good morning, classmates. my name is dos, and i'm fond of cats, so you can call me mewtwo, kidding...
29/08/2023

"good morning, ma'am, good morning, classmates. my name is dos, and i'm fond of cats, so you can call me mewtwo, kidding aside, shout out nga pala sa crush ko sa row 2—" *wink*

"umayos ka, dos, gusto mo ba ng tres?"

"basta sa puso ho ni miss hindi-ko-pa-alam-ang-pangalan, pwede ba tawagin na kitang "misis" kahit wala pang nagaganap na kasalan?"

"aba'y unang araw pa lang, gumagawa ka na sa 'kin ng kasalanan."

si ma'am naman, umagang-umaga, parang pasabóg nang bulkan.

28/08/2023
di ako si jose mari chan pero my idea of a perfect christmas is spending it with you"bandwagon na bandwagon ah. gago ka ...
27/08/2023

di ako si jose mari chan pero my idea of a perfect christmas is spending it with you

"bandwagon na bandwagon ah. gago ka talaga, jek. itigil mo yan"

ito na titigil na— i can't think of a better christmas than my wish coming true. and my wish is that you'd let me spend my whole life with you

27/08/2023

good morning, tao. tumambay kayo sa mga basahing buhat ng philippine internet speed today circa 2023. pahingahan yun ng mga cashier nitong page kapag wala kaming load. doon din kami magpopost ng mga prose kung interested kayo

pa'no kung naging jeep ako? sasakay ka na ba sa mga bola kong medyo seryoso? o mas gusto mo yung lakad lakad pauwi trope...
26/08/2023

pa'no kung naging jeep ako? sasakay ka na ba sa mga bola kong medyo seryoso? o mas gusto mo yung lakad lakad pauwi trope? kunwari friends na sabay umuuwi pero slowburn romance pala? kaya ko naman maging ukay na school shoes para sa'yo. lakarin natin ang bangketa. syempre cramped yan, mga alas cinco na ng hapon e. uwian na. magbubungguan ang mga braso natin ganon. kunwari spontaneous, pero deliberate attempt pala na magkaroon ng very random, note the sarcasm, physical contact. wag mo na lang langhapin masyado ang usok ng rush hour traffic. bawas romance yan. tapos yung inevitable na paghihiwalay natin ng landas. syempre taga kabilang kanto ka e. magkakaroon tayo ng unspoken mutual understanding na bagalan ang hakbang habang nag-aagaw ang p**a at kahel na langit sa pagpinta sa namamawis mong mukha

"dito na— una na 'ko, jek. bukas ulit"

sa ganda mong 'yan, kahit araw-arawin na lang natin at this point

in all seriousness, napapadissociate ka na lang talaga sa sobrang saturated ng buhay. buhay pala ako. naglalakad. humihi...
26/08/2023

in all seriousness, napapadissociate ka na lang talaga sa sobrang saturated ng buhay. buhay pala ako. naglalakad. humihinga. bumabahing. nangungulangot. conscious. para ka lang naka creative mode sa minecraft. ang kaibahan nga lang e hindi sentient si steve para maging aware sa kaniyang solitude. di tulad mong nakadaramdam ng pagdaramdam. kanino? ewan. basta galit ka sa mundo na medyo malungkot na medyo numb ganern.

"hoy, nagsisimula ka na naman. di pa alas diez. saka di ka lang tinirhan ng ulam ah"

parang di pamilya

"uy jek, sana naman alam mo kung gaano kagaan sa pakiramdam na makita kang ngumingiti."gago bago yan ah. ikaw na ang nam...
25/08/2023

"uy jek, sana naman alam mo kung gaano kagaan sa pakiramdam na makita kang ngumingiti."

gago bago yan ah. ikaw na ang nambobola. pero— talaga?

"oo. cute mo. tinolang sagana sa malunggay siguro ulam nyo ano."

ungas

gusto ko na lang maging hipon sa pancit guisado. if you know what i mean. yun bang tipong kakalkalin nya ang sandamakmak...
25/08/2023

gusto ko na lang maging hipon sa pancit guisado. if you know what i mean. yun bang tipong kakalkalin nya ang sandamakmak na pechay, carrots, at pancit mahanap lang ang nag-iisang ako.

"beh, kung maging sangkap ka man ng pancit guisado, itlog ka ng pugo. sagabal sa hipon at mitbols."

gaga

kumikinang ka talaga kapag tinititigan. ang ganda mo sa blouse mong may gusot-mayaman na pinaresan ng paldang may mumunt...
25/08/2023

kumikinang ka talaga kapag tinititigan. ang ganda mo sa blouse mong may gusot-mayaman na pinaresan ng paldang may mumunting sulat pa ng bolpen na blue haha. minsan galit ako sa specs mong tinatago ang singkit mong mga mata sa tuwing nagfofog buhat ng suot mong mask. tanggalin mo na kaya yan tapos tingin ka kaunti sa may kaliwa para naman makita ko ang muse ko ehe. nagpupuyat ka na naman kapapanood ng k-drama, may pimple ka na ulit sa noo. ayos lang, natatago naman ng bangs mong bagong gupit. malamang out of impulse and boredom na naman yan. sing-intense ng pagkunot ng noo mo ang degree ng naramdaman ko ngayon. sana naman aware ka riyan ano? kasi ang ganda mo tal—

"jek, makatitig ka para kang may binabalak na kung ano gago itigil mo yan"

—aga. patapusin mo akong mag monologue, ungas.

soft launch ng mga panindang assorted pagmumuni-muni and beverages.
24/08/2023

soft launch ng mga panindang assorted pagmumuni-muni and beverages.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mga comments sa youtube at iba pang sub-genre ng modern filipino fiction posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Convenience Store?

Share