Healing Gout Cream-ZB Cream

  • Home
  • Healing Gout Cream-ZB Cream

Healing Gout Cream-ZB Cream Relieve the pain and discomfort of neck, shoulder, waist and leg caused by gout, wind, cold, dampness

19/01/2024
04/01/2024
13/12/2023

Pagkain sa Utak at Memorya
Payo ni Doc Willie Ong

1. Matatabang isda, mani at olive oil.
Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.
2. Berdeng gulay, broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry at iba pang pagkain na mayaman sa Vitamin C at E.
Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.
3. Pagkaing mataas sa flavonoids tulad ng tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans.
Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pag-kain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.
4. Curry powder at turmeric.
Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.
Tandaan: Bawasan ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, trans fat at cholesterol tulad ng taba ng karne, margarine at processed foods. Ang mga pagkaing mayaman sa asukal ay maaaring makadagdag sa panganib ng type 2 diabetes, isang kondisyon na maaaring magpalaki ng apat na beses ng panganib sa sakit na Alzheimer’s disease.

23/11/2023
01/11/2023

3 Sintomas sa Babae na Dapat Masuri
Payo ni Doc Willie Ong

Kung mayroon ka ng mga sumusunod na sintomas, mag-patingin sa iyong doktor:
1. May bukol sa suso, kahit gaano kaliit.
Mga 10% ng mga kababaihan na may bukol sa dibdib ang nagkakaroon ng kanser. Minsan, normal na may mga bukol sa suso na nagsama-sama (tinatawag na fibroadenoma), o kung minsan ay cyst lamang. Karaniwan na nagkakaroon ng mga maliit na bukol kung parating na ang regla. Pero kung hindi ka sigurado sa sanhi ng bukol, kinakailangan magpatigin sa surgeon o doktor. Dahil ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng babae sa kanser ay bre-ast cancer.
2. Abnormal na pagdurugo.
Maraming bagay ang naka-a-apekto sa regla ng babae, tulad ng pagbaba ng timbang, sobrang ehersisyo at stress. Madalas na kusa itong bumabalik sa normal at hindi na kailangan gamutin. Ngunit kung ang iyong dalaw ay patuloy na hindi regular, malakas o mas tumatagal ang pagdurugo, dapat ng kumonsulta sa OB-Gyne. Kung may pagdurugo pagkatapos ng pagtatalik, o sa pagitan ng iyong regla, magpa-check-up din. Kung naranasan ang pagdurugo pagkatapos mag-menopause, maaari isa itong tanda ng kanser.
3. Hindi normal na discharge.
Ang normal na discharge mula sa pwerta ay malinaw o puti ang kulay at walang amoy. Pero kung ang discharge ay kulay dilaw, brown o p**a, at may mabahong amoy, maaaring tanda ito ng mga sakit. Ang kadalasan dahilan ng ganitong discharge ay impeksiyon tulad ng bacterial vaginosis o thrush, at mga STD tulad ng chlamydia, gonorrhea, herpes o trichomoniasis.
Kung hindi magamot ang STD ay maaaring humantong ito sa pelvic inflammatory disease impeksiyon sa reproductive organs, na maaaring maging malubha at mawalan ng kakayahan na magbuntis ang babae. Posible din na kanser sa cervix (kwelyo ng matris) ang dahilan ng abnormal na discharge. Kumonsulta sa OB-Gyne.

19/09/2023
19/08/2023

Pagkain Para Lumakas
By Doc Willie Ong

Kapag gusto mong mag-ehersisyo o magtrabaho ng mabigat, kailangan mo ng sapat na lakas. Makukuha natin ito sa pamamagitan ng tamang pagkain.
1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-e-ehersisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pagtibok ng puso at paggalaw ng masels. Masdan niyo ang mga tennis players na palaging kumakain ng saging.
2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang iyong asukal sa dugo.
3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.
4. Chocolate Bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong asukal, gatas at cocoa. Maituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka ikaw ay tumaba.
5. Pakwan – Ang pakwan at buko ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92% alkaline water na mabuti sa katawan. Punong-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.
6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpapalakas at nakabubusog din.
7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong Choline na kailangan ng ating utak. Limitahan lang ang pagkain sa 1 o 2 itlog sa maghapon.
8. Nilagang mani – Ang mani ay punong-puno din ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustansya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.
Dagdag payo para lumakas: Kumain ng mas madalas pero katamtaman lamang. Ito’y para makakuha tayo ng tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya mula sa pagkain. Sa umaga, kumain din ng masustansyang almusal para may lakas tayo.
Isang paalala: Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga nabanggit dahil puwede tayong tumaba. Tandaan lamang na kapag mayroon tayong kinain, ay sasabayan ng ehersisyo para matunaw ito.

11/08/2023

Iwasan ang Cramps o Pulikat
Payo ni Doc Willie Ong

Ang pulikat ay ang biglaang paninigas ng muscle ng ating katawan. Kadalasan, dahil ito sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.
Minsan, naiipit ang nerve sa balakang o laging nakaipit sa isang pwesto ng matagal. Kapag kulang sa mineral ang katawan, tulad ng mababa sa potassium, calcium, at magnesium, puwede din pulikatin.
Ang mga taong madalas pulikatin ay ang may edad, kulang sa tubig na iniinom, buntis at mga may sakit sa diabetes at thyroid.
First Aid sa pulikat:
1. Stretch at i-masahe – I-stretch ang bahagi ng muscle na namulikat o nanigas at dahan-dahang i-masahe para ito ay ma-relax,
2. Hatakin ang paa - Para sa namulikat na binti o paa, i-deretso ng bahagya ang binti at hita. Kung hindi makatayo, umupo sa sahig o silya kasama ang iyong apektadong binti.
3. Hot o Cold compress - Gumamit ng hot compress para mabawasan ang sakit ng pamumulikat.
Para Maiwasan:
1. Iwasan ang makulangan sa tubig - Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw. Ang dami ng iinuming tubig ay depende sa iyong mga ginagawa, panahon at edad.
2. I-stretch ang muscle – I-stretch bago o pagtapos mo gamitin ang anumang bahagi ng muscle o kalamnan. Kung nagkakaroon ng pamumulikat ng binti sa gabi, mag-stretch muna bago matulog. Maaari itong makatulong upang maiwasan ang pamumulikat sa gabi.

08/08/2023

10 Bawal Kainin ng Seniors.Hinay-hinay sa mga pagkaing ito.By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #1513 Note: Magugulat kayo sa #3, #7, ang...

30/07/2023

Anemia: Kulang Ang Dami Ng Dugo
Payo ni Doc Willie Ong

Minsan ba ay parang pagod ka? May nagsabi ba na maputla ka? Ikaw ba ay buntis o lampas sa edad 60? Kung ganoon, ipa-check ang iyong dugo para sa anemia.
Ang anemia ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan kulang sa p**ang dugo (red blood cells) ang katawan. Alam natin na ang p**ang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.
Kadalasan, ang anemia ay tinatawag na iron-deficiency anemia o IDA. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng nutrisyon mula sa pagkain at ang pagkakaroon ng anumang pagdurugo sa katawan.
Problema Ng Pilipino:
Ayon sa DOST at FNRI Seventh National Nutrition Survey noong 2008, ang iron-deficiency anemia ay nakakaapekto sa 4 sa bawat 10 buntis sa Pilipinas. Para sa mga sanggol mula 6 buwan hanggang 1 taon, 56% ay may anemia din. Sa mga bata edad 1 hanggang 12 taon, may 20% ang anemic din. Pag dating naman sa mga edad 60 pataas, may 3 sa bawat 10 senior citizens ang kulang sa dugo.
Ano ang komplikasyon nito? Para sa mga buntis, puwedeng mapaaga o maging premature ang pagsilang ng sanggol. Para sa batang may anemia, puwede silang maging pandak, payat, masakitin at hirap sa pag-aaral.
Sintomas at Gamutan:
Kapag bahagya lang ang kakulangan ng dugo, marahil ay walang sintomas ang mararamdaman. Ngunit kung mabilis ang pagbaba ng iyong hemoglobin count o mababa sa 10 mg/dL ang hemoglobin ay may mararamdaman ka na. Ang pangkaraniwang sintomas ng anemia ay panghihina, pagkahilo kapag tumatayo, hinihingal at palpitasyon.
Para malaman kung ikaw ay may anemia, magpakuha ng CBC (complete blood count) para makita ang lebel ng hemoglobin at hematocrit sa dugo.
Ang good news sa sakit na anemia ay madali lang itong gamutin:
1. Kumain ng mga pagkaing mataas sa iron. Sa mga karne, mataas ang iron sa atay ng baka, laman ng baka, baboy at manok. Sa mga hindi gaanong kumakain ng karne, makakakuha din ng iron sa maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, beans, peas, at patatas na may balat. May mga tinapay at cereals na may dagdag iron.
2. Kumain din ng pagkaing mataas sa vitamin C. Nakatutulong ang vitamin C sa pag-absorb ng iron sa katawan. Mayaman sa vitamin C ang prutas tulad ng dalandan, orange, pinya at suha.
3. Puwede ding uminom ng Iron tablets tulad ng ferrous sulfate tablet at mga multivitamins na may iron. Gawin ito ng isang buwan at siguradong tataas na ang iyong hemoglobin sa dugo. Tandaan: Kapag may anumang pagdurugo sa katawan, kumonsulta sa doktor.

25/07/2023

Pangigitim ng Balat sa Paa: May Diabetes Ba?
Payo ni Doc Willie Ong

Marahil para sa mga kayumanggi ang kulay, iisipin na normal ang pangigitim ng balat.
Ngunit makikita din sa balat kung mas lalo itong umitim ay baka senyales na ng diabetes.

Kaya suriin ang iyong mga paa. Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang diabetes, ipa-check ang fasting blood sugar. Kung ito ay mas mataas kaysa sa 100 mg/dl ngunit sa ibaba ng 126 mg/dl, ay mayroon kang mild diabetes. Ngunit kung ito ay lampas 126 mg/dl, ikaw ay mayroon nang diabetes.

Ang isang karaniwang komplikasyon ng diabetes ay pinsala sa mga ugat at daluyan ng dugo sa buong katawan. Kaya naman, ang mahinang supply ng dugo sa mga binti ay nagdudulot ng pangingitim (isang black pigmentation) ng mga paa at binti. Sa medical term ay tinatawag na peripheral vascular disease.

Kung mapatunayan ang balat ay nangingitim, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor.
May mga gamot para ma-kontrol ang diabetes.

13/07/2023

Patay Na Kuko: Anong Dahilan?
Payo ni Doc Willie Ong

May mga pasyente akong nakikita na nangingitim ang kuko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? May 3 dahilan po ang pagkamatay ng kuko:
(1) Nabangga o nasugatan ang daliri. Kadalasan ay may sakuna na nangyari. Baka naipit ang daliri, o kaya nadaganan o nabangga ng hindi mo namamalayan. Dahil dito, puwedeng masira ang puno ng daliri (nail bed) kung saan gumagawa ng bagong kuko.
(2) Fungal infection. May mga fungal infection na sumisira sa kuko. Nakukuha ito sa matagalang paglalabada at paghawak ng maduduming bagay. Kadalasan ay may uka ang kuko at hindi naman nangingitim. Pahiran ng anti-fungal cream at gumamit ng guantes habang naglalabada.
(3) Paggamit ng matatapang na kemikal.
8 Payo Para Huwag Masira Ang Kuko:
1. Gumamit ng “mild” na sabon. Ang matatapang na sabon, tulad ng panlabada, ay para lang sa baro at hindi sa ating kamay. Mag-ingat sa mga asido at pangkula.
2. Huwag abusuhin ang kuko. Huwag gawing “tools” ang kuko para ipambukas ng lata o gamit. Kumuha ng screwdriver!
3. Mag-ingat sa pagpuputol ng kuko. Huwag masyadong putulin ng maikli at baka masugat ang iyong balat. Huwag din pahabain ang kuko at baka mabali lang ito. Gumamit din ng nail file para mabawasan ang matatalas na kanto.
4. Huwag kagatin ang kuko. Puwede mong masira ang puno ng kuko.
5. Huwag kutkutin ang cuticles. Kung gustong tanggalin ang cuticles, ibabad muna ang kamay sa maligamgam na tubig ng 5 minuto para lumambot ang cuticles.
6. Huwag hilahin ang balat sa tabi ng kuko (hangnails) dahil masusugat ang iyong balat. Putulin ito ng nail cutter. Tandaan: Kahil maliit na sugat lang sa tabi ng iyong kuko ay puwedeng pasukin ng bacteria o fungus. Ang tawag sa impeksyon na ito ay Paronychia. Mahirap itong pagalingin.
7. Protektahan ang iyong kuko. Gumamit ng guantes kapag magbabasa ng matagal na panahon o kung gagamit ng mga kemikal.
8. Bawasan ang pag-ma-manicure sa 2 beses bawat buwan. Masama po ang mga nail polish remover tulad ng acetone na nagpapatuyo ng kuko. Mas maganda pa nga ang walang manicure, at makapapahinga pa ang iyong mga kuko.
Ingatan ang iyong kuko. Kapag namatay na ang kuko, minsan ay hindi na ito nanunumbalik sa normal. Kung may karagdagang katanungan, kumonsulta sa isang dermatologist.

02/07/2023

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healing Gout Cream-ZB Cream posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Convenience Store?

Share