21/12/2022
Magandang araw po sa ating lahat!
Lubos po naming ipinagpapasalamat ang inyong pagtangkilik sa aming serbisyo bilang remittance center sa Barangay Tayabo.
Nais po naming ipagbigay alam na ang Berna's Store Smart Padala ay hindi na po tatanggap ng PADALA simula ngayong araw, December 21, 2022 at 7:40pm.
Sa kadahilanang ang ating remittance ay nahack. Kaya alinmang mga padala na inyong ipadadala ay hindi na po namin makikita. Kaya't mangyari lamang na tumungo na lang sa town center kung nais magpadala.
NOTE: Magbibigay po kami ng update kung kelan kami ioopen ulit ang padala. Maraming Salamat po!
Kung may katangunan, please send us a message.