30/07/2023
😂
'NILANGYUPSAL' 🤤
Kinaaaliwan ng netizens ang post na ito mula sa uploader na si Georel matapos umanong gamitin ng kanyang nanay na pangsahog sa nilaga ang nabiling meat na para sana'y pang-samgyupsal.
"Mom discovered a new Korean grocery store in our subdivision. Naisipan niyang i-check at yung frozen beef ang napili niyang bilhin," kwento niya sa PSND.
"Noong isasalang na niya, that’s when she realized na sliced beef for Korean barbecue pala yung nabili niya. 😭💀 ," dagdag pa niya.
Tila naging successful naman daw ang niluto ng kanyang nanay at nagustuhan ng kanilang pamilya.
"Parang thick cuts of meat na nakabalot kasi kaya akala niya siguro yung pang-nilaga. Ayos lang kasi hindi na kailangan palambutin nang matagal tsaka masarap naman magluto ang mommy ko 😁😆," wika ni Georel.
(Queen Georel/Facebook)