30/06/2022
Bakit nga ba tumataas ang presyo ng bigas?
Konting kaalaman po sa aming mga mamimili.
Ang pag taas po ng presyo ay dulot ng iba’t ibang dahilan, kasama na ang mga sumusunod.
1. Tapos na po ang anihan season, at konti na lang ang supply ng palay kaya naman po tumataas din ang presyo ng palay. (Supply and demand). Kaya kapag mataas ang palay nagtataas din po ang bigas.
-Anung season po ba ang anihan? Sa isang taon po dito sa Pilipinas ay dalawang beses ang anihan season (march-april at september to october) kaya sa mga panahon ito ay posibleng bumaba ang presyo ng bigas dahil madaming supply.
-kapag anihan din ay magaganda ang quality ng bigas dahil ito ay mga bagong ani. Kaya malalambot ito at hindi mabilis madurog. Kaya mapapansin niyo po ay minsan may mga bigas na nagbabago ng quality, hindi po dahil iba ang nilalagay na variety dito kundi dahil din po sa season ng anihan pero same pa din po ang variety.
2. Importation naman ang pag usapan natin. Bakit nga ba pati imported ay tumataas ngayun. Una ay dahil mataas na din ang dollars, dahil importation po ang ginagawa nagbe base po ang transaction sa presyo ng dollars. Kaya kung mataas ang presyo ng dollars ay mas nagiging mataas din ang puhunan mula sa Peso.
-konti ang supply na pumapsok ulit sa ating demand and supply principle
-pag dating naman po sa quality ay hindi po lahat ng imported na bigas ay nache check natin dahil na din po sa dami nito. Ngunit kapag may problema ay pinpalitan po namin at inire report sa aming supplier
3. Oil price hike ito po ang isa sa mga major reason bakit nagta taas ang lahat ng bilihin. Dahil sa patuloy na kinakaharap na Giyera ng Ukraine at Russia apektado po ang presyo ng langis.
-alam natin na kapag mataas ang langis ay tumataas po ang lahat ng bilihin dahil ang langis ang ginagamit sa pag transport ng mga supplies.
Humihingi din po kami ng pang unawa sa aming mga customers sa magiging pag taas ng aming presyo gawa na din po ng mga rason ng aming binagit.
Maraming salamat po. 🤗